AN: Hello bibliophiles babies, magsosorry na agad ako sa may mga nickname na 'dada', you will know my reason after you done reading this chapter. Hihi. Silent lang kayo sa may mga nickname na gano'n ah. Shhhhh >3
Ilang araw na rin ang nakalipas at napapansin kong iniiwasan ako ni Radish, mabuti na lang at palagi kong nasa tabi si Kyler ng sa gano'n ay makalimutan ko na ang Radish na 'yun.
Kagigising ko lang pero gusto ko na ulit matulog dahil sa sakit ng puson ko, kagabi pa ito nasakit kaya't natulog na lang ako nang maaga.
"Baby, mauuna na kami ng daddy mo sa mall ah, sumunod ka na lang." Saad ni mommy pagpasok niya sa kwarto ko.
Tumango lang ako sa kanya at nagbalungot ng kumot.
"Gumising ka na d'yan nak, kailangan bago magstart ang mass ay naroon ka na." Saad niya sa akin.
"Hindi na siguro ako pupunta mommy." Saad ko habang hinihaplos ang puson ko.
"Bakit naman? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya bago umupo sa kama ko.
"Sumasakit kasi ang puson ko mommy, may period ako." Saad ko, natatawa namang tumingin sa akin si mommy.
"Ang malas naman ng baby ko."
"Mommy naman e, gusto mo bang mawalan na ako ng period?" Hinampas niya ako dahil sa sinabi ko.
"Kung kay Aaron, pwede pa." Natatawa niyang saad at lumabas na ng kwarto ko.
"Mommy naman!!" Sigaw ko sa kanya.
"Bumangon ka na d'yan, kanina pa rito si Aaron!" Mabilis akong napatayo sa sinabi ni mommy, gusto ko pa sana siyang tanungin pero nagdire-diretso na ito sa salas.
Sino daw?
Si Aaron? Narito?
Bakit naman?
Ano namang gagawin niya rito?
Gusto ko sanang bumaba upang alamin kung narito nga si Aaron pero hindi ko magawa dahil ayoko na magpakita sa kanya na ganito ang itsura ko kaya't pumunta na lang ako sa dulong room kung saan nandoon ang tv monitor ng mga cctv namin.
Agad kong hinanap ang cctv monitor sa sala at laking gulat ko ng naroon nga si Aaron at kasama niya ang mga kaibigan ko.
Anong ginagawa nila rito?
"Ayy naku, lagot!!!" Saad ko nang makita kong paakyat sa hagdan si Aaron.
"Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ko.
Ayokong magtago rito. Siguradong magtataka sila na wala ako kwarto ko.
Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko pero hindi ko parin alam ang gagawin ko.
Para na akong pusa na nagpaikot-ikot rito sa kwarto ko.
"Iya!" Pagtawag sa akin ng lalaking nasa labas ng kwarto ko, siguradong si Aaron ito dahil sa pamilyar na boses niya. "Evol!" Pagtawag niyang muli.
"Naliligo ako!" Sagot ko sa kanya.
"Ah gano'n ba. Sige, bababa na muna ako, may iiwan ako rito sa pinto. Gamitin mo ah." Saad niya.
"Ano ba 'yan?" Pagtatanong ko pero natawa lang siya.
"Kailangan ko ba talangang sabihin? Gamitin mo na lang kasi."
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...