CHAPTER 5: SAME FEELINGS

294 201 8
                                    

There is never a wrong time for love, but sometimes, there is a wrong time for expressing it.

Love, that profound emotion that connects us all, is never bound by the constraints of time. It's always the right time to feel love, to cherish it in our hearts, to let it fill our souls with warmth and joy. Love is never out of place or out of time, it's an emotion that is always right, regardless of when it blooms in our hearts.

However, expressing that love, sharing it with others, that's a different story.

There are moments in our life that when the timing just isn't right for expressing our feelings. It could be due to circumstances beyond our control, or perhaps the person we wish to share our love with isn't in the right place emotionally or physically to receive it.

Knowing when to hold onto your feelings, to let them grow and mature within you, and when to release them into the world, to share them with the ones you care about.

So, love is an emotion that knows no wrong time, the expression of that love can sometimes be ill-timed.

Pagkarating namin sa school ay pabagsak kong sinara ang pinto ng kotse niya.

"Salamat po, Radish." Natatawang sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka sa sinabi ko. Tila pino-proseso niya pa ang narinig niya mula sa akin.

"What?... What did you say!?" Galit na tanong niya. Nanlalaki pa ang mata.

Nilampasan ko lang siya at pumasok na sa gate.

"Bakit kayo late?" Masungit na tanong ng lalaking security guard na nakaduty ngayon dito sa school.

Lagot!

May guard nga pala na hindi basta-basta nagpapalabas o nagpapasok ng student!

Anong gagawin kong alibi?

Sasabihin ko bang may isang sira ulong mayabang na estudyante ang bigla na lang akong hinatak?

Wag na lang! Baka itanong pa niya kung saan kami nagpunta, anong ginawa, bakit lumabas ng school, at kung ano-anong mga tanong. Balita ko kasi ay matanong ang guard na ito e.

Sabihin ko na lang kaya na may biglang tumawag sa akin na pumunta sa labas ng school dahil may emergen---.

Ay wait... Paano kami nakalabas kanina dito sa school kung may guard naman?!

Hyst! Nakakainis talaga itong si Aaron. Hindi ko namamalayan ang mga nangyayari!

I hate being with him!

Napatingin ako sa guard na nakatingin na pala kay Aaron na nasa likod ko. Mukhang may ibang iniisip.

"I have permission to go out sir." Sagot ni Aaron at pinakita pa ang isang papel.

Humawak pa ito sa kanyang ulo na animo'y nasakit ito.

"Anong acting 'yan?" Bulong ko rito.

Naglakad lang ito papasok pagkatapos ibalik ni kuyang security guard ang papel niya.

Sumunod naman ako sa kanya na parang aso. Hyst!

Ano ba 'yung hawak niya kanina? Tungkol saan iyon?

"Ano 'yan?" Pagtutukoy ko sa papel na hawak niya.

Pilit ko itong kinukuha sa kanya pero ayaw niyang ibigay.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now