CHAPTER 13: STEAL

137 67 20
                                    

IYA POV'S

Pagkatapos naming mag meeting ng mga kagrupo ko ay nagpunta ako sa hallway para kausapin si Jeanrix na kalalabas lang ng room.

"Hi." Pagbati ko sa kanya, pilit siyang ngumiti sa akin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko lang sabihin sayo na ang meeting na naganap kanina tungkol sa commercial ay hindi dapat ibunyag sa iba at alam mo naman 'yun kung kanino. May tiwala ako sa'yo, kaya't umaasa ako na tutuparin mo ang hinihiling ko sa iyo." Tapat kong sabi sa kanya, tinitingnan ko siya nang diretso sa mga mata.

"Yeah sure," maikling tugon niya, ngunit may kasunod pa siyang sinabi na nagdulot ng bigat sa aking dibdib.

"Huwag kang magtiwala sa'min kung para lang sa activity 'yun." Makabuluhang dagdag niya, na tila ba isang malalim na pahiwatig na mayroon siyang ibang plano.

Sa puntong iyon, hindi ko na siya pinatulan o pinagkaabalahan pang kausapin. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, at alam ko na ang aking sunod na gagawin.

Kung wala silang tiwala sa akin, wala rin akong tiwala sa kanya. Mayroon na akong plan C na handang ipatupad kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pagbabago sa sitwasyon. Kung anuman ang kanyang balak na mangyari, sigurado akong hindi iyon mangyayari. Dahil handa ako, handa sa kahit anong mangyari at nakahanda ako na harapin ang lahat, dahil alam kong mayroon akong mabuti at magandang plano.

"Oh anong meron?" Pagtatanong ko sa mga kaibigan ko dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"Nothing that we want to say to you but your talking for a few minutes is a bad girl." Saad ni Jamaica.

Ano raw?

"I don't talk to her like I care about; I merely talk to her because I care for our Activity... For us."

"Kupo ah! Baka mapahamak pa tayo sa dalawang iyon ah. Naku! Ay ano na 'gang plano mo ngayon, Iya?"

"Just incase na sabihin niya kay Cliere ang plano natin, I'll change my plan A." Bulong ko sa kanila.

Pinag-usapan na namin ang plano kung sakali man na malaman nina Cliere ang aming gagawing activity. Gumawa kami ng isang idea na sadyang malilito sila kung saan ba talaga namin gagawin ang activity at binabalak din naman na kuhanin ang mga cellphone at bantayan sila sa oras na naroon na kami sa lugar na aming pupuntahan.

Pagkatapos naming mag usap ay nagkayayaan na kami na umuwi na.

Habang naglalakad ay nagvibrate ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag na kung sino, si Emman pala.

"Ate, nasaan ka?"

"Kalalabas lang ng school, bakit?"

"Nasiraan kasi ang sasakyan nina mom at dad, baka hindi ka nila masusundo."

"Ano? E ikaw, nasaan ka?"

"Nagpahatid na ako sa kaklase ko kanina hehe, tagal mo kasing lumabas."

"Naku naman, sige na. Mag babyahe na lang ako."

"May naghihintay d'yan sayo ate, si evol mo daw?" Saad niya at tumawa nang tumawa. Hindi ko mawari kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi.

"Ewan ko sayo."

"Gwapo din naman ng evol mo ate hehe, pero mas gwapo parin ako di'ba? Hehe."

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now