EPILOGUE

166 50 3
                                    

Lumipas ang isang taon na napakarami kong nalaman sa buhay ko, pati na rin kayna Aaron.

Nalaman ko na magkaibigan pala dati sina Aaron, Kyler, at Cliere pero nagkahiwalay-hiwalay rin sila dahil nagkagusto si Cliere kay Aaron habang si Kyler naman ay may gusto kay Cliere. Isa rin sa dahilan nang paghihiwalay nila ay ang pagche-cheat ni Cliere.

Sa bandang huli, palagi na lang talo si Kyler. Palagi na lang siyang naiiwang talunan, nagagawa niya namang lumaban pero kahit anong gawin niya ay talo pa rin siya.

Ngayon lang din namin nalaman ni Aaron na may half American pala siya. Kaya pala maputi siya at sobrang gwapo. Hindi rin pala niya totoong ama ang nakasama niya noon. Sinubukan naming magtanong-tanong tungkol sa ama niya pero walang nakapagsabi sa amin ng kahit anong information tungkol doon kaya't minabuti na lang namin na huminto na sa paghahanap at mag-focus na lang sa bago niyang pamilya.

"Wifey, let's go," nagmamadaling saad ni Aaron.

Magkasama kami sa iisang bahay ni Aaron pero hindi ko masasabing mag-live in na kami dahil magkaiba naman kami ng tinutulugan na kwarto, pero at least ay magkasama pa rin sa iisang bahay.

Papunta kami ngayon sa doctor upang magpa-therapy, ilang buwan ko na rin itong ginagawa upang hindi na sumakit ang ulo ko. Sa tuwing sumasakit kasi ang ulo ko ay may naaalala akong aksidente kaya't sinasabi na nilang nagkaroon ako ng amnesia dahil sa aksidenteng iyon.

"Last na therapy mo na ito wifey." Masayang saad niya pero mababakas naman ang lungkot sa mga mata niya.

"Don't worry hubby, I'll be fine. Palagi mong isipin na babalik akong natibok ang puso."

"'Yan na naman ang palagi mong sinasabi. Hindi ko naman maiwasan na hindi mag-alala sa'yo e." Puno ng pangamba na saad niya.

"I love you okay, sayong-sayo lang ako hubby ko."

"Paano kapag bumalik ka sa ex mo?"

"Babalik lang ako sa kanya para magpasalamat sa ginawa niya sa'kin pero sa'yo pa rin ako magtatagal hubby ko... Hindi na importante kung sino ang nauna at ang dati, basta ikaw na ang ngayon, at ikaw lang palagi... Di'ba sa'yo lang ako?"

"Oo naman!"

"'Yan, i love you... Pagkatapos ng therapy ko, magpakasal na tayo ah." Pambibiro ko sa kanya.

"Magbiro ka lang, tutuparin ko."

"Tss, gusto mo na talaga ah."

"Syempre naman, para magalaw na natin ang kama." Bulong niya, napakapilyo talaga.

"Sige lang, gawin na natin." Saad ko at saka tumakbo papunta sa kotse.

"Wifey naman e, huwag ka ngang mabiro ng ganyan, tutuparin ko talaga 'yan." Rinig kong sigaw niya.

Pagkarating namin sa ospital ay marami pa siyang binilin sa akin pero paulit-ulit niyang sinasabi na siya lang ang mahahalin ko, nagbilin rin siya na habang tulog raw ako ay sasamahan niya ako. Sinabi kasi ni doc na makakatulog ako ng halos isang araw e.

"I love you wifey, susundin ko lahat ng gusto mo. Ituturing kita na isang reyna sa buhay ko basta ako lang ang mahalin mo ah."

"Oo naman. I love you hubby. My feelings will never change for you no matter what happened, okay?" Seryosong tanong ko at tumango naman siya.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now