CHAPTER 70: TRUE FRIEND INDEED

81 54 0
                                    

IYA POV'S

Sa mga nakalipas na araw ay napakarami ng nangyari pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Aaron sa akin. Aaminin kong nagustuhan ko ang paghalik niya sa akin at muntikan na akong mag-response sa kanya! Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko.

Lumipas ang maraming araw na hindi niya iyon nalaman, hindi ko alam kung sadyang nakalimutan niya iyon dala ng sobrang kalasingan o pinipilit niya lang na kalimutan.

Bakit kasi siya nag-inom ng araw na 'yun?

Noong mga sumunod na araw ay parang naiilang na ako sa kanya pero hindi ko gustong mangyari iyon. Pinipilit ko siyang kausapin ng normal pero sa tuwing lalapit siya sa akin ay nagiging abnormal na yata ako. 'Yung puso ko ay parang sasabog sa sobrang kaba pero masaya ako dahil doon.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Dumating din ako sa punto na, sa tuwing uuwi ako ng bahay galing sa school ay gusto ko siyang makita, sa tuwing kakain ako ay napapangiti na lang ako bigla kapag naaalala ko ang mga joke niya. Tapos sa tuwing bago ako matulog ay chineck ko muna kung online siya, kung anong post at my day niya.

Talagang hindi na ako normal.

Niyaya kong gumala ang mga kaibigan ko na mag-coffee at mabuti na lamang ay sumama sa akin sina Akesha, Sophie, at Jamaica dahil hindi pa rin nila matanggap ang nangyayari sa kanilang buhay. Si Nicole kasi ay hindi sumama dahil hindi na siya pwedeng lumabas kung saan-saan at dapat ay maingat siya sa magiging anak niya, si Stephanie naman ay hindi raw sasama dahil may ini-imbestigahan siya ng kuya niya, pangarap na din yata niyang maging police kagaya ng kuya niya e.

Nakakalungkot isipin na kahit hindi natin gustuhing maranasan iyon ay kailangan pa ring tanggapin dahil parte na ng ating buhay ang masaktan sa hindi inaasahan.

"Kainaman na ang kuya, ayaw niya akong pasamahin sa inyo pero kapag pupunta siya sa kung saan-saan ay hindi siya nagpapaalam! Talagang mahahaplit ko iyon!" Inis na reklamo ni Sophie.

"Pabayaan muna siya. Mabuti pa nga siya e may love life na... Pero alam niyo ba na sa dami kong lalaki ay hindi na uso ang label, ang importante kinikilig." Saad naman ni Akesha.

Napatawa naman kami sa sinabi niya.

"How about you bessy? What's your story in your life that you want to share with us of us?" Tanong ni Jamaica, nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin.

"Oo nga Iya, kanina ka pa walang imek e."

"M-may g-gusto lang sana akong itanong sa inyo." Kinakabahang saad ko.

"Kaya mo ba kami niyayang magkape dahil may itatanong ka?" Tanong ni Akesha.

"Hindi naman ganun... Gusto ko nga kayang damayan sa problema niyo e."

"Tss, sabihin mo na lang ang problema mo."

"Spell it Iya." Saad pa ni Jamaica

"Umm... K. A. Y. O." Napaisip sila sa sinabi ko.

"Grabe ka na talaga ah! Baka gusto mo ring malintikan." Naiinis na saad ni Sophie.

Nag-peace sign naman ako sa kanila.

"Ganito kasi," panimula ko. Tumunghay naman sila para makinig sa sasabihin ko. "Normal lang ba na mag-hug ang taong magkakilala?"

"Oo naman, lalo na kapag nami-miss niyo ang isa't isa... Siguro kapag nagkita ulit kami ng omegle baby ko baka hindi lang 'yun ang mangyari." Tila nag-i-imagine si Akesha sa posibleng mangyari.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now