IYA POV'S
Kasalukuyan nang nagsisimula ang game sa pagitan ng BMU at AST UNIVERSITY. Sa unang limang minuto ay nakalamang na ang team ng aming school sa score na 10-8. Magagaling ang players mula sa aming school lalong-lalo na si Aleck. Bukod sa napakagaling niya magdala ng bola ay naisasaayos niya rin ang daloy ng game, magaling siyang captain.
Lahat ay may kanya kanyang cheer para sa kanilang team at players kaya naman mayroon din kaming entry para kay Aleck.
"Basketball, basketball
Ang sarap-sarap mag-basketball
Ang lapad ng court, ang linis ng court
Ang luwang ng ring ng basketball
Pwedeng mag-dribble
Bago ka mag-shoot
Pwedeng shoot, sabay dribbleI-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball
I-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball
I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball
I-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketballAng sarap, sarap, sarap mag-basketball
Shoot that ball, uh!" Pagkanta naming magkakaibigan."Go! Go! Go! AST!" Sigaw ng kabilang team.
"AST di papatalo!
Pusong asul mananaig!""Go! BMU! Ang popogi niyo!"
"Goooo Aleck! Aking mahal!"
"BMU for the win!!!"
"I love you Aleck!"
"3 points na agad! Good job baby Aleck!"
"GO! 07734, Go Aleck!"
Sari-saring sigawan ang maririnig sa court.
*07734* Those numerals spell out "hello" when they are reversed.
"Bessyy!" Pagtawag sa akin ni Jamaica.Ibinaba niya ang dalang bag at tumabi ito sa akin habang nagchi-cheer sa team namin.
"Kararating mo lang?" Tanong ko pero tinaasan niya ako ng kilay.
"Obvious naman di'ba?"
"Tss... E bakit late ka? Kasama ka pa namin kanina ah."
"Lumabas lang ako saglit... Hindi ko tuloy naabutan ang pagmo-model mo."
"Hindi naman 'yun mahalaga."
"Tama ka, mas mahalaga 'yung nabalitaan ko."
"Bilis naman."
"Ganun sadya ang tsismis nagta-time lapse." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...