IYA POV'S
Kahit gabi na, narito pa rin ako sa ospital upang bantayan si Aaron. Ngunit sa kabila ng aking pagmamalasakit, kinakailangan ko nang umuwi dahil hindi pa ako nakakaligo simula kagabi. Ang aking pangangalaga kay Aaron ay mahalaga, ngunit hindi rin dapat kalimutan ang pangangalaga sa aking sarili. Ang pag-aalaga sa sarili ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kagandahan kundi higit sa lahat ay tungkol sa kalusugan at pangkalahatang kapakanan. Kailangan kong magpahinga at magbigay pansin sa aking sarili upang magkaroon ng lakas at sigla na maipagpatuloy ang pangangalaga kay Aaron.
"Oh, saan ka pupunta?" Pagtatanong ni Aaron ng makita niyang nag-aayos ako ng mga gamit ko.
"Uuwi, hindi ba halata?"
"E sinong makakasama ko dito? Ako lang mag-isa?" Bahagya naman akong napatawa dahil sa tanong niya.
Natatakot ba siya?
"Papunta naman yata dito sina Yesha eh."
"Hindi ko alam."
"Ok. Aalis na ako."
"Evol?" Pagtawag niya sa akin, mabilis naman nitong hinawakan ang kamay ko. "Ingat ka ah."
"Akala ko sasabihin mong natatakot ka mag-isa." Natatawang saad ko at nagmamadaling lumakad.
"Hoy! Ano? Ako natatakot mag-isa? Hindi noh!" Narinig ko pang sigaw niya bago ko isarado ang pinto.
Natatawa namang akong naglakad hanggang sa marating ko ang paradahan ng tricycle.
"Dacanlao?" Pagtatanong ni kuyang tricycle driver na nasa unang paradahan.
Ang tinutukoy niyang 'Dacanlao' ay isang barangay dito sa Batangas.
Ganun kasi ang mga tricycle driver dine sa Batangas. Parang nagbebenta ng lugar. Madalas e parang binebenta nila ang tricycle nila... Haha!
"Hindi po pero maihahatid niyo po ba ako sa BMU, may kailangan po kasi akong kunin sa school. Dadagdagan ko na lang po 'yung bayad ko." Agad namang napangiti si kuyang tricycle driver dahil sa huling sinabi ko.
Sumakay na ako sa tricycle at pagkarating na pagkarating ko doon ay biglang tumawag si Aaron.
"Evol?" Pagtawag niya sa kabilang linya.
"Oh, bakit?" Magkasalubong ang kilay na pagtatanong ko habang inaabot ang bayad sa tricycle driver.
"Mamaya pa ba sina Yesha, si nanay, si tatay? Ikaw? Nakauwi ka na ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Pagtatanong ko at nag-umpisa ng maglakad papunta sa loob ng school.
Agad namang ngumiti sa akin ang bagong guard na naroon.
"E kasi nga wala akong kausap rito? Wala rin akong magawa. Dapat kasi ay sinamahan mo muna ako rito!"
"May gagawin pa nga ako--" napatigil ako sa pagsasalita ng may mapansin akong kakaiba sa labas ng car park.
Meron kasing dalawang tao ang nagmamadaling tumakbo, sa aking palagay ay mga lalaki sila.
May sinasabi pa si Aaron sa kabilang linya ng patayin ko ang tawag.
Ingay. Tsk!
Lumakad na ako hanggang sa marating ko ang kinaroroonan ng kotse ko. Hindi muna ako sumakay at sinuri ko muna ang labas ng kotse ko at laking gulat ko ng mapansing sira na ang dalawang gulong sa hulihan.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
Storie d'amoreUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...