CHAPTER 82: THE UNTOLD TRUTH

99 52 2
                                    

Pagkahuli ko sa kanya ay agad siyang nilapitan ng mga pulis at dinala sa kulungan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Aaron sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sobrang naiinis ako kay Virang, noong una ko siyang makita kanina ay gusto ko na siyang lapitan at bugbugin ng ilang beses upang matauhan siya sa ginawa niya pero pinilit kong itago lahat ng iyon para magawa ang acting 101 ko. Ngayon, hindi na ito acting... Totoo na ito!

Padabog akong naglakad kung saan pwede kaming mag-usap ni Virang.

"Samahan na kita." Saad ni Aaron, nag-aalala.

"Gusto mo bang sumama sa masusugatan?"

"Iya naman, mag-relax ka kaya muna." Saad ni Sophie.

"Paano ako makakapag-relax? Sabihin mo nga? Pinatay niya ang kaibigan namin! Pinatay niya si Phanie! Maraming buhay din ang nawala!... Wala sana akong pake sa kanya kung negosyo lang namin ang gusto niyang pabagsakin pero may inalis siyang napakahalagang tao sa buhay namin! Kinuha niya ang buhay ng kaibigan natin!" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, dinig ko rin sa aking likuran na umiiyak ang mga kaibigan ko.

"Aalis na ako." Pinigilan kong huwag maiyak ulit at umalis na.

Pagkarating sa isang kwarto ay naabutan ko roon si Virang na tuwang-tuwa na makita ako.

Paano siya na nakakaramdam ng saya sa mga oras na ito?!

"Hay*p ka! T*ng inam*!" Sinugod ko siya at pinagmumura. "Bakit mo nagawa sa amin iyon?! Mukha mo lang ang mabait pero buong pagkatao mo ay punong-puno ng kasamaan." Mariing saad ko.


"Easy ka lang Alliah, magkaibigan tayo."

"Paano mo nasasabing magkaibigan tayong hay*p ka?! Wala akong kaibigang katulad mo."

"Wala ka pa bang naaalala hanggang ngayon?"

"Tigil-tigilan mo ako sa ganyan mo! Lintek ka!"

"Magkaibigan tayo noon." Seryosong sabi niya.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Ano?"

"Napakayaman mo Alliah, halos kaya mo nang bilhin ang buong palengke."

"Ano bang sinasabi mo?"

Writer din ba siya para gumawa ng kwento?

"Pero kahit mayaman ka, naging magkaibigan pa rin tayo. Tumatakas ka sa inyo para makasama ako, para makipaglaro sa aming dalawa ni Ashton." Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya.

Gumagawa ba siya ng kwento para mawala ang galit ko sa kanya?

"Kahit na ilang beses kang pagsabihan ng daddy mo ay bumabalik ka pa rin sa bahay namin dahil sabi mo ay mas gusto mo kaming makasama, mas masaya kaming kasama kaysa sa daddy mo na---"

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now