CLIERE POV'S
AN: May matutunan kayo sa chapter na ito, hihi <3
Hindi ko akalain na sa gagawin kong kilos kay Alliah ay ito ang magpapahamak sa akin na gawin ang ayaw ko... ang maging isang library assistant.
Hindi madali ang maging isang library assistant lalo na kung wala kang hilig sa libro, you need to sort and shelve books according to their categorization and you also need to assist na guest na pupunta sa library.
Maraming estudyante ang nakakita sa akin sa ganoong sitwasyon at kahit pilitin kong itago ang sarili ko ay palagi pa rin akong pinapalabas ni mommy. Ayaw niya akong makita na walang ginagawa. Kaya nga marami na akong nabasang libro rito dahil iyon ang gusto niyang gawin ko. Pinilit kong gawin iyon dahil nagtatanong siya sa akin kung tungkol saan ang nabasa ko, sinong sumulat noon, at madami pang iba.
Alas dos na ng hapon at balak ko ngayong magturo ng lesson namin sa Micro Economics dahil iyon ang utos ni mommy. Ayaw ko sanang pumayag pero napilitan na ako dahil ito na ang last day ko sa pagiging isang assistant library.
Mabuti na ito dahil nakakasawa din naman ang makipagplastikan sa mga tao na pumupunta doon sa library.
Pagpasok ko sa room namin ay agad ng pumukaw ng atensyon ko ang dalawang nagpapainit ng ulo ko, sina Aaron at Alliah. Nakaupo sila doon sa likod pero hindi naman sila nag-uusap.
Anong meron at nakasuot sila ng shades parehas?
Mainit ba?
Napatingin pa ako sa bintana para alamin kung mainit nga ba ang panahon ngayon.
Hindi naman ah!
"Ikaw 'gah ang magtuturo ngay'on?" Pagtatanong ni Sophie.
"Yeah, may problema ba?" Pagtatanong ko.
Nakaramdam ako nang inis ng magmake-face ito at tumawa pa.
"Good afternoon everyone, for now I'm your Micro Economics professor as a substitute for Mrs. Ritchie. So first, let me introduce myself... I am Samantha Cliere Madrigal, the daughter of the 'owner' of this school." May diing saad ko.
"Magpapakilala na lang e magyayabang pa." Narinig kong saad ni Jamaica, isa sa mga kaibigan ni Iya.
"Pagyayabang na ba ang pagsasabi ng totoo?" Pagtataray ko sa kanya.
Gusto ko man siyang lapitan at sabunutan pero nakaisip ako ng ibang paraan.
Since ako ang teacher nila, papahirapan ko sila sa mga tanong ko.
"So, i think all of you are ready to listen to me, shall we start?" Tanong ko.
"Syempre, paano matatapos kung hindi sisimulan?" Muling saad ni Jamaica.
Sinamaan ko siya nang tingin pero nginisian niya lang ako.
Huh?!
Humanda ka talaga sa akin!
Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita.
"Last time, Mrs. Ritchie teach us about the law of supply, ngayon naman ang ituturo ko sa inyo ay about sa Elasticity nito but before we officially start, who can recall the some information about the law of supply?" Tanong ko.
"The amount supplied and price changes for a product are related by the law of supply. The relationship between the law of supply and the law of demand is direct rather than inverse. The law of supply describes how producers act when prices for goods and services vary. The quantity offered increases as the price rises. Generally speaking, less supply results from lower prices." Sagot ni Ashton.
"How about you Jamomo?" Tanong ko kay Jamaica.
"Don't call me like that, duh!" Tumayo ito at umakto na diring-diri sa akin. "We're not friends... I also didn't recall anything, mag-umpisa ka na lang magdiscuss ng bagong lesson. Thank you." Mataray na saad niya.
"Whatever." Mahinang saad ko. "So, thank you sa mga sumagot. Talagang nag-aaral kayo nang mabuti sa school 'namin' ." Papuri ko.
"So let's proceed with our new topic, kagaya nang sinabi ko kanina, our lesson is all about elasticity of supply. If the price elasticity of demand is unit elastic, how does quantity demanded change in response to a 25% increase in price? Any---" hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang magtaas ng kamay si Jamaica.
"Quantity demanded decreases by 25%. Unit elasticity means that a change in quantity demanded will equal the magnitude of change in price, so a 25% increases in price decreases quantity demanded 25%. So, bakit naman hindi siya quantity demanded increases by 25%, ito ay dahil the quantity demanded decreases when price increases according to the law of demand. If my sagot kayo na quantity demanded increases by 50%, mali na iyan dahil sabi ko nga kanina, according to the law of demand, the quantity demanded decreases when price increases. At saka, quantity demanded changes by 50% in response to a 25% price change when price elasticity equals 2. If a good has a unit price over a given range the price elasticity equals 1. 'Yun lang muna sa ngayon, wala na akong maisip e." Mahabang saad niya. "May naalala pa pala ako," saad niya na umaktong nag-iisip. "Elasticities measure a response to a change in some factor, such as price or income. Price elasticity of demand measures how quantity demanded changes (the response) caused by a change in price (the factor that is changing). If the buyers change their quantity in response to a change in price, not the other way around that's wrong." Dagdag pa niya na lubos kong ikinahanga pero hindi ko iyon ipinahalata.
"So do you know what price elasticity of supply measures?" Tanong ko.
"Of course!... The responsiveness of the quantity supplied to variations in the price of an item is measured by the term "price elasticity of supply." With a price elasticity of supply of 0.75, for instance, the quantity supplied increases by 0.75% for every 1% increase in price... Ang price elasticity ng supply ay isang sukatan kung paano tumutugon ang mga nagbebenta sa mga pagbabago sa presyo... Gano'n ha." Sagot niya na punong-puno ng impormasyon.
So madami pala siyang alam pagdating sa ganitong topic ah!
"So... Kung ang bilang sa pagbabago sa presyo, tumaas ng 10% at kung ang price elasticity ng supply ay 0.5, gaano kalaki ang pagbabago ng presyo, and how this elasticity interpreted?" Tanong ko.
"20%; inelastic." Mabilis na sagot niya.
Paano niyo na compute iyon ng gano'n kabilis?
"Ang price elasticity ng supply ay mas mababa sa 1 na nangangahulugan na ito ay inelastic. Ang price elasticity na 0.5 ay nagsasabi sa atin na ang quantity supplied ay tumataas ng kalahati ng mas malaki kaysa sa pagbabago sa presyo." Dugtong pa niya.
Wow!
"Ay grabe naman!" Komento ni Chester, bilib na bilib.
"Nilamon mo gah bessy ang calculator?" Pagbibirong tanong ni Sophie.
"Baka nga calculator na ulam niya araw-araw e." Pabirong saad ni Akesha.
Lahat kami ay napabilib sa kanya. Masyado niyang ginalingan!
Totoo pala ang sinasabi nilang matalino si Jamaica sa math... Kaso nga lang pagdating sa English e nasa zero siya, nagkataon lang siguro na maganda ang pagsasalita niya ng english ngayon.
"May itatanong ka pa ba ma'am? Napapagod na ang utak ko magcompute e." Mayabang na saad niya.
***
ICONIC LINE'S
CLIERE: I am Samantha Cliere Madrigal, the daughter of the 'owner' of this school.
SOPHIE: Nilamon mo gah bessy ang calculator?
JAMOMO: May itatanong ka pa ba ma'am? Napapagod na ang utak ko magcompute e.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomantikUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...