Sa sandaling dumating kami sa room, agad na sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan nang isang mahigpit na yakap. Halos hindi sila makahinga sa sobrang tuwa at excitement. Tila ba ang mga ngiti sa kanilang mga mukha ay hindi na mawawala.
Ang kanilang muling pagkikita ay parang isang malaking selebrasyon. Ang ingay ng kanilang tawanan, ang kaligayahan sa kanilang mga mukha, ang init ng kanilang mga yakap - lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng kanilang malalim na samahan at pagmamahalan.
Tila ba ilang taon na silang hindi nagkita. Ang bawat segundo, ang bawat minuto, ang bawat oras na hindi sila nagkita ay tila ba nag-convert sa taon. Ang kanilang muling pagkikita ay isang patunay na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng panahon na hindi nagkikita, kundi sa kalidad ng samahan na na-maintain kahit sa kabila ng distansya at panahon.
Ang kanilang muling pagkikita ay isang patunay na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng panahon na hindi nagkikita, kundi sa kalidad ng samahan na na-maintain kahit sa kabila ng distansya at panahon. Ang kanilang muling pagkikita ay isang patunay na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami ng salitang binitawan, kundi sa dami ng mga yakap na ibinigay at tinanggap.
"Bessy! Kilala mo pa ako?" Seryosong tanong ni Jamomo.
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nagbibiro ba siya?
"Kilala kita syempre, ikaw si...ano. Ummm..." Sandaling tumigil sa pagsasalita si Iya at umakto itong nag-iisip. "Ah alam ko na! Natatandaan ko na ang pangalan mo!... Ikaw si... Alex! Tama! Alex ang pangalan mo diba! Sabi na eh!... Kamusta ka na Alex?" Saad ni Iya saka kinamayan si Jamaica.
Halos lahat naman kami ay nagulat sa sinabi niya.
Totoo bang nakalimutan niya na ang mga kaibigan niya? E bakit ako ay kilala niya at hindi niya nakalimutan?
"Joke lang. You're my cutiest bessy ever." Saad ni Iya at saka niyakap si Jamaica na mukhang iiyak na.
"Bakit nga pala nung may nangyari sa'yo ay tinanong mo kung sino si Aaron. Hindi mo ba nakikilala ang gwapong mukha niya?" Nagulat ako sa itinanong niya.
Bakit pa magtatanong si Iya kung sino si Aaron kung kilala naman niya ito? Totoo bang nakalimot siya???
"Hoy, anong gwapo ka d'yan! He's not my type."
"Ala ah, Diga'y hindi naman namin tinatanong kung type mo siya o hindi."
"Whatever. Basta hindi ko siya type!"
"Hinay-hinay sa pagsasalita." Makabuluhang sabi ni Akesha, nagpapa-alala.
"Bahala kayo."
"So, bakit mo nga siya tinanong kung sino siya?"
"Nanlalabo kasi ang paningin ko nun pero kilala ko naman ang boses ng lalaking iyon, naninigurado lang ako na siya nga iyon."
"Baliw ka bessy... Alam mo ba nung nandoon kami ay halos umiyak na kami ni Phanie dahil iniisip namin na baka kami ay nakalimutan mo na din tapos ang lokong si Aaron ay tumawa lang."
"Wala namang problema sa tumawa," saad ni Aaron na kapapasok lang ng room. Hindi man lang nagawang ayusin ang uniform na suot. "Diba evol?" May diing sabi niya at ngumisi kay Iya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...