CHAPTER 60: DADDY

101 53 1
                                    

SAMUEL POV'S

Sa nakalipas na maraming taon ay alam kong marami na akong nagagawang kasalanan at paglilihim sa aking mga magulang at mga kapatid. Gusto ko mang humingi ng tawad sa kanila ngunit hindi ko naman magawa dahil hindi ko kayang gawin at ayoko silang masaktan.

Ang pagiging panganay ang napakahirap sa lahat. We always play the largest and most important part in the family. We're supposed to "provide the breadwinner." We are expected to provide the "ideal" example for our younger siblings. Our words and deeds need to be "careful." We must always act "patiently." We shouldn't let anyone down.

Kaya nahihirapan akong sabihin sa kanila ang totoo. Ilang beses ko nang sinubukang sabihin pero napapahinto na lang ako bigla, na para bang hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin ko.

"Daddy!" Pagtawag sa akin ng isang batang babae na nasa labas ng school.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"How's your school baby?" Tanong ko sa kanya bago pinasan ito.

"Nandoon pa rin po." Sagot niya at tinuro ang school nila.

Napatawa ako sa naging sagot niya dahil napakapilosopo talaga.

"Good answer." Natatawang saad ko at hinaplos ang buhok nito.

Siya ang aking anak na si Summer, halos magkatulad sila ng pag-uugali ni Sophie... makulit, maingay at pilosopo. Ang pagkakaiba lang nila ay nagiging seryoso siya kapag tungkol sa kaniyang mommy na ang usapan kaya't mas pinipili na lang niya na huwag nang magtanong. Malaki na naman siya kaya't sinabi ko na sa kanya noon ang totoong dahilan kung bakit hindi namin kasama ang mommy niya, matanong kasi siyang bata e.

FLASHBACK

Kakauwi ko lang galing sa trabaho nang mapansin kong tahimik ang bahay. Dito kami tumutuloy sa bahay ng kaibigan ko. Wala kasing nakatira dito kundi siya lang. Hindi naman kami pwedeng tumira sa bahay namin dahil walang alam sina Sophie, Kalix, pati na rin si tatay na meron na akong anak.

"Baby!" Pagtawag ko sa aking anak.

"Nandito na si daddy. Gising ka ba?"

Pumasok ako ng bahay at nagulat ako nang biglang may narinig akong umiiyak. Dali-dali kong hinanap ang pinanggalingan ng iyak na iyon at halos magulat ako nang makita kong umiiyak si Summer habang nakatingin sa isang basag na picture frame, picture namin iyon ng mommy niya.

Nilapitan ko ito at niyakap.

"Stop crying na baby! Nandito na si daddy. Tahan na ikaw ah," mas lalong lumakas ang iyak niya. "Stop cry na... I love you. Hindi kita iiwan gaya ng mama mo... Stop crying na... Please." Pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap siya.

"D-daddy..." Nahihirapang saad niya bago ako niyakap nang mahigpit.

"Siya po ba ang mommy ko?... Nasaan na po siya?... Bakit hindi po natin siya nakakasama?... Bakit wala siya rito?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Nasa trabaho lang siya. Uuwi din agad." Pagsisinungaling ko.

"'Yan din po ang sabi niyo noong isang araw."

Huminga ako nang malalim bago muling humarap sa kanya.

"Ang mama mo... Hindi na natin siya pwedeng makasama... Iniwan na niya tayo... Naghanap na siya ng iba."

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now