CHAPTER 23: SHOULD DO

129 56 18
                                    

Nakakagaan ng loob na makabalik sa loob ng hospital, lalo na't alam kong nakapagbigay ako ng tulong sa ibang tao.

Ang bawat oportunidad na makatulong sa iba ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan at kaligayahan

Ang alam na mayroon kang positibong epekto sa buhay ng iba ay isang bagay na nagbibigay ng malaking kahulugan at satisfaksyon sa akin.

"Yesha, i buy this for you. Tingnan mo. I hope you like it." Saad ko at agad na binigay kay Yesha ang mga pinamili ko.

Inilagay ko na rin sa maliit na table ang mga prutas na binili ko para kay Aaron.

"No need to do this. Kaya ko na ang sarili ko." Nagulat ako sa biglaang pag-iiba ni Yesha.

Pinilit ko na lang na ibigay sa kanya dahil kailangan niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at maya-maya lang ay umalis na siya para magbihis.

Bakit parang iba yata siya ngayon?

Ok pa naman siya kanina ah!

Baka masyado lang niyang iniisip ang nangyari kanina.

"Emman, bumili ka munang coffee." Pag-utos ko sa kanya ng makita ko itong papikit-pikit habang nagce-cellphone.

"Ayoko! Tinatamad ako."

"Anong tinatamad ka d'yan? Kapag cellphone ang kaharap, masipag!"

"E iba naman ang cellphone ate." He defended.

"Umuwi ka na lang kung ayaw mong bumili. Doon ka na lang mag cellphone sa bahay."

"Akin na!" Iritang saad niya at tumayo.

Tiningnan ko naman ito ng may pagtataka.

"Yung pera, akin na!" Inis na saad niya.

"Wala ka bang pera? Mas marami ang pera mo sa akin ah".

"Ikaw ang nagpapabili di'ba?" Masungit na tanong niya.

"Hindi ako, s-si Y-yesha. Libre mo na din ako." Tila nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang pangalan ni Yesha.

"Hehe si Yesha ba? Sige, bibili na ako agad. Hindi mo naman sinabi na gusto pala ni Yesha ng kape, dapat kanina mo pa sinabi ate." Saad ni Emman at lumabas na ng room.

Natawa naman ako sa mga sinabi niya.

Sobrang bilis niya talaga basta't si Yesha ang usapan. Hyst!

Nang makalabas na si Emman ay inayos ko muna ang mga pinamili ko sa lamesa. Pagkatapos ay pinuntahan ko naman si Aaron na hanggang ngayon ay nakahiga parin at walang malay.

Gusto ko sanang hawakan ang mukha nito ngunit baka bigla siyang magising.

Hay naku Aaron, kung kasalanan ang maging gwapo... Wala kang kasalanan

Umupo na lang ako at kinausap siya na tila magsasalita rin ito.

"Gumising ka na d'yan Radish. May pasok pa tayo bukas ah. Wala ka na bang balak pumasok? 'Yung mga chicks mo sa school, hinihintay ka na... Gising na Radish." Saad ko at dahan-dahang hinawakan ang kamay nito.

"Kasing kapal pala ng mukha mo ang kamay mo." Natatawa kong saad habang hinahaplos ang kamay nito.

"Here the coffee--" biglang pumasok si Emman at napahinto ito sa pagsasalita ng makita ako.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now