CHAPTER 83: REWARD

90 52 2
                                    

JAMOMO POVS

Halos isang linggo na rin matapos ang ilang araw naming bakasyon dahil sa naganap na intrams at pageant. Ang sarap maramdaman ang ganitong pahinga, 'yung feeling na sobrang pagod mo dahil sa ilang araw na puno ng activities sa school tapos pahinga ng ilang araw, ang sarap sa pakiramdam. Totoo 'yung sinasabi nilang kailangan mong sulitin ang bawat araw na darating sa'yo, lalo na kung bakasyon iyon. Haha.

Akala ko no'ng una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo

Torete, torete
Torete ako
Torete, torete
Torete sa 'yo

Napatigil ako sa pagkanta at paghuhugas ng plato nang marinig kong nag-uusap sina kuya at Tatay tungkol sa tuition ko, nalalapit na kasi ang finals namin.

"Dalampu na 'yan ah! Bakit hindi niyo na hayaang mag-trabaho? Sa laki ng binabayaran natin dito sa bahay, pati na rin 'yang tuition e hindi na sasapat ang pera natin." Mababakas sa boses ni tatay ang galit.

"Hayaan niyo muna siyang mag-aral tatay, nakakabayad pa naman tayo." Dipensa ni kuya.

"Kahit na, malaki pa rin ang bayarin natin... Kung inipon na lang natin ang ipinambayad sa tuition na iyan e di madami na tayong kambing."

"Ang tatay naman ah! Bakit niyo iniisip ang pambayad?... Ayaw niyo ba siyang makapagtapos ng pag-aaral?" Hindi sumagot ang tatay.

Nagmadali na akong maghugas ng plato dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang mga luha ko. Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa palagi kong pinupuntahan kapag nakakaramdam ako ng galit at sakit, sa roof top ng pinsan ko. Wala siya sa bahay nila kaya't dumiretso na ako sa refrigerator nila para kumuha ng soju at bumalik na ulit sa taas.

"Put*nginang buhay toh!" Malayang sigaw ko.

Siguradong walang makakarinig sa akin dahil gabi na at baka tulog na ang mga tao.

Lalaklakin ko na sana ang soju namg biglang may umagaw roon... Si Chester?

"Masarap siguro ito." Kakaunti pa lang ang naiinom niya nang iniluwa niya ito. "G-grabe, masarap ah." Napapangiwing sabi niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang bakit nandito? Bahay ko ito e." Saad niya at tinuro pa ang mga damit at brief na nakasampay sa may tabi.

"Niloloko mo ba ako? Bahay ito ng pinsan ko."

"Ahh so, hindi pa niya nasasabi sa'yo na lilipat na siya?"

"Ano? Nasaan siya ngayon? Lilipat na ba siya? Saan daw? Malayo ba?"

"I don't know, basta sabi niya lilipat siya."

"Ahh," kinuha ko ang soju sa kanya at ininom iyon.

"Ano nga palang ginagawa mo rito? At saka sinong tinutangayaw mo?"

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now