"Wear your seatbelt or ako pa ang magsusuot sa'yo." Seryosong saad niya.
Kasalukuyan pa rin kaming naririto sa kotse at hindi ko alam ang dapat kong gawin o sabihin sa naging aksyon niya.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at maya-maya lang ay umalis na rin kami.
Hindi na namin halos naabutan ang mga kaibigan namin dahil nauna na silang nakaalis kanina. Pagkarating sa mall ay agad ng bumaba ng kotse si Aaron, may kinuha pa siya sa back seat bago ako tuluyang pinagbuksan ng pinto.
Doon ko lang napansin ang kinuha niyang payong.
"Para saan naman 'yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ka pwedeng mabasa di'ba? Mas okay na siguro ito." Saad niya habang inaalalayan ako sa paglalakad.
Tumingin ako sa kanya at saka napangiti.
Napakagentleman naman!
"Stop staring at me evol, i know that I'm the cutiest man in the world." Nakangising saad niya bago kumindat sa akin.
Napakayabang rin pala!
'Yan na lang ba ang sasabihin niya palagi?
'Yan na ba ang famous line niya? Tss!
"Antagal niyo naman!" Reklamo ni Akesha pagpasok namin sa mall.
Hindi ko siya sinagot at nagdiretso lang ako kay mommy na ngayon ay busy sa pakikipag-usap sa bisita.
Kinurot ko siya sa tagiliran upang sa gano'n ay mapansin niya ako.
"Bakit ba?" Inis na tanong niya.
"Bakit mo sinabi kay Aaron na may period ako?" Naiinis sa tanong ko at tinaasan pa siya ng kilay.
"Antagal mo kasing gumising," sagot niya na para bang big deal iyon para sabihin kay Aaron ang tungkol sa menstruation ko. "D'yan ka na nga." Naglakad na ito paalis pero sinundan ko siya.
"Mommy naman e. Bakit kailangan mo pang sabihin?" Naiinis na tanong ko pero nagdire-diretso lang ito sa paglalakad.
Umalis na siya ng hindi ako sinasagot ang tanong ko at muling bumalik sa kausap niya kanina.
Nakakainis naman siya!
Bakit kailangan pa niyang sabihin ang ganoong bagay? Hyst!
"Saan ka nagpunta?" Pagtatanong ni Aaron pagbalik ko sa pwesto nila habang kumakain siya ng piraso ng melon. "May masakit ba sa'yo?" Pagtatanong niyang muli, umiling lang ako bilang sagot.
Magtatanong pa ulit sana siya ng magsalita ang announcer.
"The mass will start in a few minutes." Announce ng isang babae.
"Tara na doon." Tinuro niya ang stage kung nasaan ang family ko.
Nagpunta na kami sa stage na tinuro niya. Nagtaka naman ako dahil sunod siya ng sunod sa akin.
"Family ka ba namin?"
Tiningnan niya lang ako saka nakipag-usap kay Emman at kay ate."Kamusta na kayo?" Pagtatanong niya na para bang ang tagal nilang hindi nagkita.
"Ayos naman kuya Aaron," sagot ni Emman bago sila nagpeace bumb. "Ikaw? Kanina pa ba kayo rito?" Tanong niya.
"Hindi naman, kararating lang namin dito kanina. Tagal kasi ng ate mo." Sagot ni Aarom bago tumingin sa akin.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...