SKYLER POV'S
"Lintek na!" Galit sa saad ko at dahil doon ay naibinanggit ko ang cellphone ko sa kung saan man.
Kagigising ko lang kasi at naisipan ko munang mag Facebook pero laking gulat ko ng magsend si Stephanie ng picture ni Iya na nakayakap kay Aaron.
Sa palagay ko ay kahapon ito nangyari doon sa may hallway namin.
Hyst! Bakit hindi ko iyon nakita?
E di sana ay nasapok ko na si Aaron?
Lintek na iyan!!!
"S-sir, k-kakain na po." natatarantang saad ng bago kong yaya at sunod-sunod siyang kumatok sa pinto ngunit dahan-dahan iyon.
Binuksan ko ang pinto at nilapitan siya.
Medyo napangiti ako dahil mas maliit siya sa akin at mas bata. Kayang-kaya ko nga yata itong ibalibag eh.
"S-sir, p-pasensya na po dahil ang aga ko po kayong ginising. M-may pasok po kasi kayo ngayon. Bumaba na po kayo, naghanda po ako ng masarap na---" Kabadong saad niya pero pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"Nasaan si yaya Hilda?" Tanong ko.
"H-hindi ko po alam sir Ky, ang s-sabi niya po ay matatagalan siya bago m-makabalik." Sagot niya na ipinagtaka ko sa kakaibang sinabi niya.
"Ano ulit sabi mo?" Paglilinaw ko.
"Uulitin ko po lahat?" Tanong niya.
"Ano ulit tawag mo sa akin, sir ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Sir Ky po. Mali po ba? Iyon po kasi ang sabi ni tita Hilda. Iba po ba ang pangalan niyo?" Tanong niya.
Napangiti ako. "Hayy, mukhang ikaw lang ang tatagal dito."
"Po?" Curious na tanong niya.
"Ah, wala. Kumain na tayo." Pag-alok ko at lumabas na mula sa aking kwarto.
"K-kakain po? Sabay po tayong kakain?" Nagtatakang tanong niya.
"Gano'n ba ang sinabi ko?" Tanong ko, kunwari ay hindi maalala ang sinabi ko.
Nag-isip siya. "E-ewan ko po."
Iniwan ko na lang siya doon at nag-umpisa nang kumain.
Sa totoo lang ay bigla akong nakaramdaman ng kakaiba sa kanya. 'Yung kaninang galit ko ay bigla na lang nawala.
Dahil lang ba ito sa height niya o baka dahil tinawag niya ako sa kakaibang pangalan?
Siya pa lang kasi ang tumatawag sa akin ng ganoon kaya't natutuwa ako. Kakaiba siya sa lahat ng naging katulong ko. Kahit na takot siya sa akin ay nandoon parin ang pagiging perfectionist niya, katulad ngayon.
Maayos na maayos ang pagkakaprepare niya ng pagkain at talaga namang mapapakain ka ng madami dahil sa ganda ng presentation niya ng food.
Hindi ako madalas mag-usisa ng document ng nagiging yaya ko kaya't hindi ko alam kung anong natapos niyang kurso.
Culinary kaya?
Tatanungin ko na lang sa kanya kapag may pagkakataon.
"Aalis na ako." Saad ko sa kanya pagkatapos kong mag-ayos ng sarili para pumasok at sumakay na sa kotse.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...