KLYER POV'S
After ng klase para sa araw na ito ay agad na akong nagpaalam sa mga kaibigan ko dahil kailangan kong maggrocery ngayon. Kanina pa kasi text nang text ang aking yaya na huwag ko daw kalimutan ang sinabi ko kanina.
"Iya, mauuna na ako sa'yo ah." Paalam ko.
"Sige, sige. Ingat kayo." Saad niya habang nagsusuklay.
"Yeah, ikaw din ah. Magpahinga ka agad pag-uwi mo. Huwag mong masyadong stressin ang sarili mo." Paalala ko sa kanya, concern.
"Ahh gano'n ah. So, sinasabi mo bang stress na ako?!" Masungit na sabi niya, kahit nakasuot siya ng shades ay masisiguro kong galit ang mukha niya.
"Hindi naman. Basta magpahinga ka." Saad ko.
Tinapos na nito ang pagsusuklay. "Ewan ko sa'yo."
"Naiistress din naman ako pero bakit waIa akong natatanggap na rest with me my Iove?" Saad ni Jamaica.
Wala naman akong sinabing gano'n ah, balak pa lang sabihin. Hehe.
"Aalis na ako ah."
"Sige na, huwag mong masyadong utusan nang utusan ang bagong yaya mo ah. Napapagod din naman siya. Magpakalalaki ka lalo pa't bata ang kinuha mong yaya." Paalala niya sa akin.
"Oo na, kanina mo pa 'yan sinasabi eh." Saad ko.
Simula kasi nang nasabi ko sa kanya ang tungkol sa bagong yaya ko ay paulit-ulit na niyang sinasabi ang mga salitang iyon.
Tss, kaya nga ako kumuha ng yaya e para hindi na ako mahirapan. Dapat sinabi na lang niyang nag-aalala siya sa akin.
"Bye na. Ingat kayo ah." Pagpapaalam ko sa kanila.
Pagkarating ko sa kotse ay agad ko na siyang tinext na uuwi na ako.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay at agad na sumalubong sa akin ang aking yaya.
"Sir Kyyyy, nakauwi na kayo! Salamat naman," saad niya nang makapasok ako sa pinto, may hawak pa siyang feather duster. Bumaba ako sa kotse at pinakuha ang gamit ko sa school. "Nakakabagot pala sa bahay kapag mag-isa ka lang 'noh sir. Sa probinsya kasi namin sobrang ingay. Lima kasi kaming magkakapatid tapos madalas pang nasa bahay namin ang mga pinsan ko." Pagkukwento niya habang kinukuha ang mga gamit ko.
"Totoo ba 'yan?" Pagtatanong ko, parang bigla akong nagkaroon ng interest sa buhay niya.
"Opo sir Ky, tapos 'yung mga pinsan ko, wala naman silang ginagawa sa amin, nakikipagkwetuhan lang sila tungkol sa mga lalaking nagugustuhan nila, nakakasawa na rin." Saad niya habang pumapasok kami sa loob ng bahay.
"Kaya ka ba nagdesisyon na maging yaya?" Curious kong tanong pero tinawanan niya lang.
Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Magbihis na nga lang kayo sir Ky." Saad niya bilang pag-iwas sa tanong ko kanina.
"Hubad ba ako?" Pagbibiro ko sa kanya.
"H-hindi po, ang ibig ko pong sabihin ay magpalit na kayo. Aalis po tayo diba? Hehe." Nahihiyang saad niya.
Hindi ko na lang siya sinagot at umakyat na ako sa may kwarto ko.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...