CHAPTER 32: EXPENSIVE

110 56 4
                                    

SOPHIE POV'S

KINABUKASAN

Katatapos ko laang kumain at sobrang hase ko ngay'on dahil may pupuntahan kami. Sisimba kami ngay'on pero this time, sa Calamba, Laguna. Halos ilang oras din ang byahe kaya't umarkila na kami ng aming masasakyan na van.

(Hase- excited)

Siguradong bibili nga si kuya Kalix ng bagong kotse dahil iyon ang sabi niya noong nakaraang araw.

Napapansin ko rin na sobrang tipid niya sa pagkain at halos umaga na siya kung umuwi sa bahay galing sa trabaho.

"Kuya, tara na!" Excited na sabi ko sa kanila kahit naggagayak pa lang naman sila.

(Naggagayak- nag-aayos)

"Haseng hase ka na naman ineng, ang tatay e mangungumpay pa."

"Baka magsara ang store eh." Pag-aalala ko sa bilihan ng kotse.

"Hindi 'yan, nagpareserved na naman ako at saka kakilala ko naman 'yung may-ari kaya't magbubukas sila kahit linggo." Paliwanag ni kuya.

"Sigurado ka ba d'yan kuya?"

"Oo naman, 100 percent sure po." Pagkasabi niyang iyon ay umakyat na muna ako ako sa kwarto ko para maglagay ng kaunting make-up sa mukha.

Pagkatapos ay nahiga muna ako at nagscroll sa Facebook.

Sunod-sunod namang tumunog ang aking messenger dahil sa message ng iba kong kaklase. Pinag-uusapan kasi nila ang nangyaring suspension kay Cliere sa isang group chat na kung saan ay si Cliere, at Jeanrix lamang ang wala doon.

Nakakatawang isipin dahil nagagawang mag sekreto ng buong klase namin sa dalawang iyon. Bwahahaha. Ito talaga ang dabest na course!

Good morning sa inyo, especially sa'yo bessy.- Message ni Jamaica sa group chat naming magkakaibigan

Kamusta ang kotse mo?- Muling message ni Jamaica na wala namang nagseseen kundi kami lang dalawa.

Nagtaka naman ako sa message niya.

Bakit kailangang kamustahin pa ang kotse?

Mga tulugin pa sila.- Message ko sa gc.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako sa aking kwarto at nakita ko naman sila kuya na naglalagay na ng ilang gamit sa van. Si tatay naman e humihigop pa ng kape habang nakikipagkwetuhan sa driver ng van. Masaya silang nag-uusap at masisigurado kong excited na rin si tatay na magkaroon kami ng bagong kotse.

"Aba'y kahit hindi ka aalis ay ihahatid kita." Natatawang saad ni tatay sa kanyang kausap.

"Ay maige nga nang makasakay naman sa kotse ng anak mo."

"Aba'y uo. Gagamitin natin iyon sa  pangungumpay." Saad ni tatay at parehas silang nagtatawanan.

Napangiti naman ako dahil sa paraan  ng pag-uusap nilang dalawa.

Si tatay talaga, lagi na lang pangungumpay ang nasa isip. HAHAHA!

"Aalis na!" Sigaw ni kuya Samuel na umaaktong nagda-drive kahit nasa labas ng sasakyan.

"Yabang din nito," binatukan siya ni kuya Kalix. "Nung una e hindi maniwala na bibili ako ng kotse tapos ngay'on e haseng hase." Saad ni kuya at agad ng sumakay sa van.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now