KINABUKASAN...
Paggising ko ay halos sumakit ang tiyan ko dahil sa baho ng amoy sa kwarto.
Sa kabila ng aking pagkahilo, sinikap kong bumangon at alamin kung saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon.
Maasim at sobrang lansa!
Anong pagkain ba 'yun?
Suminghot-singhot ako sa buong kwarto bago lumabas. Napahinga ako nang malalim ng mawala ang mabahong amoy.
So, ibig sabihin ay nasa loob lang ng kwarto ko ang mabahong amoy na 'yun?
Pakshet na 'yan! Ano ba kasi 'yung mabahong amoy na 'yun?
Imposible naman akong ako 'yun dahil halos iligo ko na ang perfume na ninakaw ko kay ate Sierra.
Bumalik ulit ako sa kwarto at halos mapatakip ako sa aking ilong at bibig dahil sa sobrang baho talaga!
Nakakainis!
Agang-aga ay sumasakit ang tiyan ko dahil sa amoy na 'yun!
Lumapit ako sa aking kama at tiningnan kung doon nanggagaling ang amoy pero wala naman, tinanggal ko na rin ang comforter ng kama ko para tingnan kung may kakaibang bagay na maaaring mamaho pero nabigo rin ako. Malinis na malinis ang kama ko.
Sumilip ako sa ilalim ng kama at tiningnan kung may patay ba na daga or butiki man lang na hindi nalilinis pero wala naman akong nakita.
"Ano ba kasi 'yung mabaho?!" Iritadong tanong ko sa buong kwarto. "Malinis naman ang kwarto ko ah! Malinis din naman ako! Bakit mabaho ngayon dito?! Ang lansa-lansa! Ang sakit na ng tiyan ko! Bakit kas---" kusa akong napatigil sa pagrereklamo ng biglang mapatingin ako sa paper cup na nasa ibabaw ng lamesa ko.
Posible kayang doon nanggagaling ang mabahong amoy?!
Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa at tiningnang mabuti ang paper cup.
Wala namang kakaiba pero masisiguro ko na dito nanggagaling ang mabahong amoy dahil kapag lumapit sa pwestong ito ay sobrang baho talaga!
Kumuha ako ng walis tambo at ginamit iyon upang itumba ang paper cup. Napatakip ako sa aking ilong ng matumba iyon dahil mas lalong bumaho.
Natapon ang laman nitong kape na umagos hanggang sa may baba.
"Kape?... Bakit mamaho ng ganito?" Nagtatakang tanong ko.
Bahagya kong sinundot ang paper cup gamit ang dulo ng walis tambo at mas lalo akong nagtaka dahil mabigat pa ang laman nun!
Di'ba dapat kapag natapon na ang laman ng paper cup ay gagaan na ang laman nito? Kung gano'n, may iba pang laman?
Dahan-dahan kong inipit ng dulo ng walis tambo ang bahagi ng paper cup upang matanggal ang taklop nito. Agad na natanggal ang takip na halos tumalsik na sa may pader pero bigla akong natulala ng makita ko ang laman ng paper cup na nangamoy na sa sobrang baho.
Medyo violet ang kulay ng laman ng nasa loob na parang malambot.
Lumapit ako upang tingnang mabuti iyon.
Parang...
Bagoong alamang!
Na may mga uod pa!
T*ngina! Si Aaron na naman ba ang gumawa nito?!
Putek! Gusto kong...
"AHHHHHHHHHHH!" Pagsigaw ko.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...