SIERA POV'S
Sa buhay natin hindi maiiwasan na may mangyari na hindi natin inaasahan. Minsan masaya pero minsan malungkot. Mahirap mang harapin ngunit wala tayong magagawa dahil ito ang itinakda na mangyari para sa atin.
Kagagaling ko lang sa mall namin upang tumulong sa pag-i-inspection sa nangyaring sunog ngunit wala pa rin akong nakukuhang balita.
"Sir, bakit ganun? Maayos naman ang mall namin bago may mangyaring aksidente. Maayos rin lahat ng electricity pero bakit wala kayong makitang kahit isang sign!" Reklamo ko sa pulis na naroroon.
Matangkad siyang lalaki at maputi rin, bagay na bagay sa kanya ang pagiging pulis kaso nga lang ay mukhang bago pa lang siya sa trabaho niya dahil sa kabadong mga kilos nito at pakikitungo.
"Pasensya na po ma'am pero wala po akong alam d'yan."
"Naku, hindi porke bago ka pa lang ay wala ka nang maipakita sa akin kahit anong clue sa nangyaring sunog! Nag-iisip ka ba?"
"Police po kasi ako."
"So?
"Sa fire investigators ka magtanong. They determine how fires begin by applying the scientific method. Through observation and measurement, they can formulate a hypothesis, test it and form a conclusion about the fire's origin and cause... While, kami namang mga police are typically responsible for maintaining public order and safety, enforcing the law, and preventing, detecting, and investigating criminal activities." Mahabang paliwanag niya na nagdulot sa akin nang inis.
"Ah ganun ba." Napapahiya na lang akong napatango sa kanya.
Hindi ba sila magkatulad ng obligation?
Kailangan rin naman ang police sa scene ng pinangyarihan di'ba?
Hayyy, bahala na nga. Bakit ko ba 'yun iniisip?!
Paalis na sana ako ng maisipan kong pumasok muli sa aming mall. Maingat akong naglakad dahil simula entrance hanggang sa dulo ng first floor na ito ay nasunog lahat. May ilang hallowblock na nga ang bumagsak dahil nadamay rin ang ilang parte ng second floor.
Nilapitan ko ang isa sa mga engineer upang kausapin tungkol sa mabilisang pagre-renovate ng lugar na ito.
"Hindi po magiging madali ito ma'am. Kailangan po muna nating alamin ang pinagmulan ng sunog upang maiwasan ang ganitong pangyayari."
"Pero... ni isa sa kanila ay walang makapagsabi ng pinagmulan ng sunog!" Tinuro ko ang lahat ng narito.
"Kaya gawin mo ang trabaho mo!" Inis na saad ko sa kanya. "Engineer Alvin!" Dugtong ko pa, binasa ko ang na nakalagay sa name plate niya bago tuluyang umalis.
Nakakainis naman silang lahat!
Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring update kahit sa cctv man lang? Hindi naman iyon masisira kaya bakit hindi gumana ng mga oras na iyon.
Hayyyy!
Gusto ko nang umuwi sa bahay... pero kailangan ko muna itong unahin. Hindi ako uuwi ng bahay hangga't hindi ko nalalaman ang sanhi ng sunog. 'Yun ang kailangan kong gawin para kay Iya at 'yun ang pride ko!
Halos mapahinto ako sa pagda-drive sa gitna ng highway nang mapalingon ako sa tabing kalsada at nakita ko si Iya. Bihis na bihis ito habang nakasuot ng sunglasses at napaka-formal kung maglakad, akala mo ay may dalang isang milyon na kayang ipagmayabang sa lahat.
Lalapitan ko na sana ito nang sumakay siya sa isang itim na kotse at pinaandar ito. Kapansin-pansin na hindi pamilyar sa akin ang kotseng iyon at sa tingin ko ay napakamahal n'on... ang kotse na iyon!
Saan kaya pupunta ang batang iyon?
At saka ibinili na naman ba siya ng ama niya ng bagong kotse?... Sabagay, mayaman naman ang pamilya nila. Lahat ay mabibili at magagawa niya kapag nalaman niyang sobrang yaman niya... Pero... may posibilidad kayang iwan niya ang buhay niya ngayon kapag nalaman niya ang totoong estado niya sa buhay?
Napahinga ako nang malalim dahil sa iniisip ko.
Sana naman hindi...
Nagpatuloy ako sa pagda-drive hanggang sa makauwi ako na walang iniisip kundi ang swerte sa buhay ni Iya sa kabila ng nangyaring insidente sa kanya, dalawang taon na ang nakakaraan.
"Nandito na po pala kayo." Saad ni manang pagpasok ko sa bahay.
Sinenyasan ko siya na huwag maingay.
"Tulog pa po ba si Iya?" Mahinang tanong ko.
"Si Iya po?... Umalis po siya kasa---" pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"Ano? Umalis siya? Kailan pa?... Kanina lang ba? Saan siya nagpunta?"
"Sa school po."
"Sa school ba kamo? Gusto na niyang pumasok?"
"Wala po silang pasok ngayon e."
"Ano? E bakit siya pupunta sa school kung gayong wala naman pala silang pasok?"
"Hindi ko po alam ma'am. Huwag na po kayong mag-alala kasama naman po niya ang mga kaibigan niya e."
"Nagpunta sila rito?"
"Opo ma'am, napakabait nilang lahat lalo na po si Ashton at Aaron. Ang cute nga po nilang tingnan ng---"
"Ashton? Nandito si Ashton?"
"Wala na bang katapusang tanungan 'yan?" Nagulat ako ng makita ko ang lintik na police.
Siya si Roeder Manzano, ang baliw at walangyang kaibigan ko.
(Lumabas na rin siya sa chapter 31 hehe).
"Hoy Reindeer! Bakit ka naririto?! Anong ginagawa mo? Mambubwisit ka na naman ba?"
"Hindi ka na nasanay sa akin." Bahagya siyang napatawa.
"Bakit mo ako pinahiya kanina? Nagtatanong lang naman ako ah."
"Anong nagtatanong ka d'yan? Sinisigawan mo ako!"
"Tss, umalis ka na nga lang."
"Ayoko nga, gusto ko rito." Saad niya at naupo sa sofa na parang nasa bahay nila.
"Tapos ka na ba sa trabaho mo?!"
"Hindi pa, madami naman sila doon kaya dito na ako." Nahiga siya sa sofa at pumikit.
"Tss, pwede na palang maging police kahit tamad noh?!" Tanong ko habang nakalapit sa mukha niya.
Halos matulala ako at hindi makagalaw sa pwesto ko dahil bigla siyang nagmulat at muntikan nang maglapit ang mga labi namin.
"Naku, s-sorry. Hindi ko alam na narito ka pala." Dahan-dahan siyang bumangon at tumayo.
"A-aalis na ako." Agad siyang naglakad papunta sa pinto at hindi ko na namalayan na nakaalis na siya sa aming bahay.
Tulala pa rin ako dahil sa nangyari. Nilapitan ako ni manang at tinanong.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tumango na lang ako sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako okay dahil sa nangyari!
Bakit kasi bigla na lang iyon nangyari?
Bakit ko pa ba naisipang lumapit sa kanya ng ganun upang asarin siya?
Paano ko siya kakausapin pagkatapos ng nangyaring iyon?!
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...