Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan na namin na itigil na ang inuman dahil sa lasing na rin ang ibang kasamahan namin.
"Ingat kayo ah. Iuwi niyo na agad yan." Paalala ko kayna Aleck at Beejay habang hawak sina Stephanie at Akesha.
"Oo, uuwi na kami ah. Salamat sa inyo." Saad ni Aleck.
"Uuwi na ba tayo baby? We're about to start na ba the family planning?" Tanong ni Stephanie na ikinainis ko.
"Hoy anong family planning ka d'yan?! Manahimik ka nga." Nilapitan ko si Stephanie at balak na sapukin.
"Tama na 'yan Iya. Lasing na 'yan." Pag-awat sa akin ni Aaron.
"E ano kung lasing 'yan? Bakit ba ayaw niya na lang itikom ang bibig niya?" Naiinis na tanong ko.
"Bessy naman, nagagalit ka ba sa akin? Sorry na, sorry na kasi." Paglalambing sa akin ni Stephanie.
"Okay sige. Basta umuwi ka na agad ah... 'Yung bibig mo, itikom mo." Saad ko at bahagyang lumayo kay Stephanie dahil sa amoy alak nito.
"Bye Iya, bye Aaron, bye Kyler. Ingat kayong tatlo ah." Lasing na saad niya.
Hawak na siya ni Aleck nang magsalita ulit ito. "Ay wait lang... Parang ang cute niyo d'yan. Bagay kayo... ay hindi. Mas bagay pala kayo." Saad niyang muli habang nakahugis square ang apat na daliri niya.
"Bye na Iya, thanks for this day." Nahihiyang saad ni Aleck bago sumakay sa kotse kasama si Stephanie.
Napatingin naman ako kay Aaron na nasa kanan ko, nagme-make face pa ito habang nakatingin sa kaaalis lang na sina Aleck at Phanie.
Si Kyler naman na nasa kaliwa ko ay nakatingin din doon.
Ano bang meron doon?
May galit ba sila kay Aleck at Stephanie?
"Hatid na kita." Sabay na saad nilang dalawa.
Napatingin naman ako sa kanila at pakiramdam ko ay bigla akong nanliit dahil sa kakaibang titigan nila sa isa't-isa.
"N-naku, huwag na. May sasakyan naman ako."
"Ah, gano'n ba. Sige, mauna na ako. See you tomorrow." Saad ni Kyler.
"Okay. S-sige." Iyon na lang ang nasabi ko.
Nagtitigan pa ulit sila bago tuluyang umalis si Skyler.
"Ipagdadrive na kita." Malakas na saad ni Aaron, sinadya niya yatang lakasan ang boses niya.
Napatingin naman ako kay Kyler na napahinto sa paglalakad pero ang akala ko ay kakausapin niya ako pero naglakad na ulit ito papunta sa kotse niya at umalis na.
"Evol, ipagdadrive na nga kita." Pangungulit ni Aaron.
"Ayoko, kaya kong mag-isa. At saka, marami kang nainom." Saad ko.
"Alam mo naman siguro na hindi ako umiinom di'ba?"
Bigla kong naalala 'yung naging pag-uusap namin doon sa tindahan malapit sa school.
---
"Nag yoyosi ka?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot. Naupo ako malapit sa tabi niya.Galit parin ba siya?
"Tinigilan ko na ang pagyoyosi... Hindi rin ako umiinom." Saad niya at muling ngumuya ng tsitsirya.
"Nice." 'Yun lang ang nasabi ko.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...