AARON POV'S
Ang sarap sa feeling na makitang unti-unting sumasaya ang taong mahal mo sa kabila ng sakit at pighating nangyari sa kanya. Ang saya na makitang nakakangiti na siya ulit at nagagawa ang gusto niyang gawin. Ilang linggo din kasi siyang sobrang na-depressed at sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya nagawang iligtas ang kaibigan niya sa mismong lugar na pinakamahalaga sa kanya. Sinisisi niya rin ang mga taong naroon sa mall dahil hindi nagawang bantayan at pangalagaan ang lugar na iyon.
Napahinga ako nang malalim sa mga iniisip ko.
Bakit kaya nangyari ito?
Bakit kailangang mangyari ito???
Hayyy, sabi nila everything happens for a reason pero sabi ko naman wala ka ng magagawa if everything happens.
"Comfortable ka ba?" Tanong ko kay Iya habang pinagmamasdan ang suot niya.
Narito kami ngayon sa school upang manood ng basketball game ng university namin at ng AST University. Si Iya ang napili ni Aleck na maging muse ng team nila kaya't nakasuot siya ngayon ng BMU shirt at mini skirt.
Gusto sana naming ilipat sa ibang date ang larong ito dahil sa nangyari pero kailangan na kasing magkaroon ng basketball news article na susulatin rin ni Iya. Isa kasi si Iya sa mga news writer ng school. Sayang rin ang practice ng mga players kung mapo-posponed ang laro.
"Sa tingin mo, bagay ba ang suot ko?" Nahihiyang tanong ni Iya.
"Oo naman mahal ko. Ang cute nga e." Sagot ko na animo'y gustong kurutin ang pisngi niya.
"Tss, bagay nga sa'kin hindi naman ako komportable." Reklamo niya.
"Palitan na lang natin. Kung gusto mo mag-dress ka na lang. Magsuot ka ng color red na dress para kakulay mo sila." Suhestiyon ko sa kanya, red kasi ang color ng BMU shirt na gagamitin ng players.
"Hindi na. Inihanda ito ni Aleck e. Gagawin ko ang gusto niya."
"Sige, but i remind you that just be yourself mahal ko." Saad ko.
"A-ano 'yun? Mahal ko?" Nagulat kami nang biglang sumulpot si Akesha at Sophie.
"Sinong tinatawag mo ng gay'on?" Tiningnan nila si Iya na parang nagtatanong.
Patay!
Lagot ako ngayon!
"Kayo na gah?"
"Ha?" Parehas kaming nagulat sa tanong ni Sophie.
"Naku, mali kayo ng iniisip," saad ni Iya pero parang walang epekto sa mga kaibigan niya. "Ano ba kayo? Mali nga ang iniisip niyo e."
"Paanong mali e may call sign kayo na ganun?" Tanong ni Akesha. Humarap siya sa akin at tinitigan ako. "Dati 'evol' ang call sign niyo, ngayon naman 'mahal ko'? Paano mo ipapaliwanag 'yan ngayon?"
"Akesha naman, paano naging call sign kung siya lang ang tumatawag ng ganun?" Tanong ni Iya upang ipagtanggol ang sarili niya.
"Kow, hindi mo siya tinawag na evol?" Napaisip ako sa tanong niya.
Tinawag na ba niya akong evol?... Parang hindi pa naman... Bukod sa palaging ako ang tumatawag sa kanya ng ganun ay may isang beses na nainis siya dahil tinawag ko siya sa pangalan niya.
---
"Alliah, kumain ka ba kaninang umaga?" Pagtatanong ko sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad."Alliah, bakit hindi mo ako pinapansin? Galit ka ba sa akin?" Seryosong tanong ko.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...