IYA POV'S
Napakaraming failure na sa buhay ko ang nangyari. Marami na rin akong nasaktan at iniwasang tao pero sa pagkakataong ito nasaktan ako nang sobra at... hindi lang ako, pati na rin ang mga kaibigan ko. Ito na siguro ang isa sa mga greatest failure na nangyari sa amin, ang mawalan ng mahal sa buhay, ang mawalan ng isang kaibigan!
Lumipas ang tatlong araw na lugmok na lugmok kami sa pangyayari kay Phanie. Halos hindi na kami kumakain ng mga kaibigan ko at hindi rin umaalis sa tabi ng kabaong ni Phanie. Sobrang sakit ng pangyayaring ito na halos sisihin ko na ang ibang tao.
Narito ako ngayon sa huling hantungan ni Phanie kasama ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga kakilala namin, isa-isa silang nagsasalita upang sabihin ang nais nilang ipabatid kay Phanie. Sa bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig ay tila mga patalim na unti-unting tumutusok sa akin.
Sobra akong nasasaktan!
Nami-miss ko na siya!
Unti-unting pumatak ang mga luha ko habang inaalala ang mga nangyari sa amin.
"Hello sa inyo, ako si Akesha Manzano, isa sa mga kaibigan ni Phanie," pagpapakilala niya, mababakas sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya kagaya namin. "Hindi ko alam kung paano magsisimula, akala ko napakadali lang pero hindi pala," humagulgol siya nang iyak. "Phanieeee, sobrang miss na kita. Sobrang miss na miss ka na namin... Nami-miss ko na 'yung kakulitan mo. 'Yung pagtawag mo sa akin kahit busy ako sa pag-o-omegle... 'Yung pangungulit mo habang may kausap ako... 'Yung pagsasabi mong tigilan ko na ang pakikipag-usap kung kani-kanino dahil nakalaan lang naman ako sa isang tao.... Phanieeeee, I'm sorry dahil hindi ko sinunod lahat ng 'yun... I'm sorry..." Humihikbing saad nito at doon na bumuhos ang mga luha niya.
Nilapitan namin siya at niyakap, sunod-sunod na ring pumatak ang mga luha namin.
Tumayo naman si Nicole para siya ang magsabi ng gusto niyang sabihin.
"Ako naman po si Nicole Dela Torre, nakatatandang kaibigan ni Phanieee... Gusto ko lang mag-sorry sa'yo Phanie dahil hindi ko rin sinunod ang pangarap nating magkakaibigan... Nabuntis agad ako ng ganito kaaga kaya sorry... Pangako ko sa'yo na tatapusin ko ang pag-aaral ko at aalagaan ko rin ang magiging baby namin, ang baby nating lahat, Phanieee. I miss you sobra!" Nahihirapang saad ni Nicole.
Nilapitan siya ni Ace at niyakap.
Si Mayor naman ang lumapit sa unahan upang magsalita pero nakayuko lang ito habang umiiyak.
"Phanieeeeee!" Sigaw nito at yumakap kung saan nakalagay si Phanie.
"Bakit ka gah nawala agad?! Kadaya mo naman ah!... Diga'y sisisid pa tayo sa dagat, ba't nagpunta ka agad d'yan?! Makakasisid ka gah nang gay'an?" Hinampas-hampas pa niya ito.
Napangiti ako nang bahagya sa ginawa niya. Puro talaga siya kalokohan.
"Phanieee!!!" Sigaw nito habang patuloy na umiiyak.
Lumapit ako sa kaniya at hinaplos-haplos ang likod nito.
"I'm sorry sa mga nagawa ko sa'yong mali Phanie. Sorry kung mas makulit ako sa'yo... Sorry sa lahat!!!!"
Inalalayan ko na siyang makaupo.
Sumunod namang magsasalita si Jamaica. Huminga muna ito nang malalim.
"Bessyyyy! Kamusta ka na d'yan? Ayos ka lang ba?... Alam mo bang miss na miss ka na namin. 'Yung pangungulit mo, 'yung pagkanta mo, 'yung pangingialam mo sa maraming bagay... Miss na miss ka na namin Phanie! Magkikita pa tayo... Pero huwag muna ngayon."
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...