Pagkarating sa bahay ay agad na akong nagpalit ng damit at pagkatapos nun ay nagpunta na ako sa kusina, saktong kaluluto lang ng bananacue kaya't umupo na ako doon at kumain.
"Mainit-init pa 'yan hija." Saad ni manang.
"Ok lang po. Gutom na ako eh hehe."
"Pahingi naman ate."
"Magluto ka, bago ko ito napaghirapang lutuin eh." Mayabang na saad ko, napatawa naman si manang sa sinabi ko.
"Wag kang magyabang ate, si manang ang nagluto d'yan."
"Oh, bakit kayo nag aaway?" Tanong ni ate, mukhang kagigising lang dahil sa buhok nitong gulo-gulo at nag-iinat pa.
"Ito kasing si ate, napakayabang." Dinuro pa ako ni Emman. Napatawa naman si ate sa inasal nito.
"Wala naman akong sinabing nakakatawa ah." Masungit na saad ni Emman at nagpunta sa salas para maglaro ng ML.
Pagkatapos ko namang kumain ng bananacue ay bumalik na ulit ako sa aking kwarto at nagsulat ng planong gagawin namin para sa commercial.
Kinagabihan, lumabas na ulit ako ng kwarto ko at nagpunta sa dining area.
"Hi mom, hi dad." Bati ko sa kanila at humalik sa pisngi, mukhang kakauwi lang nila galing sa trabaho.
"How's your day baby?" Pagtatanong ni mommy, 'yan na naman ang salitang 'baby'.
"Ayos naman mom." Maikli kong sagot.
"Sino nga palang naghatid sa'yo anak?" Pagtatanong ni dad at umupo sa tabi ni mom.
"Si Aaron po dad." Sagot ko, naupo naman ako sa tabi ni mom at kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya.
"Napapadalas yata kayong magkasama ah." Seryosong saad ni dad.
Ilang araw pa lang naman kaming magkasama na halos bardagulan.
"Magkaklase po kami kaya po magkasama po kami palagi, tapos e, nagkataon lang po na hindi pa siya nakakauwi kanina kaya hinatid na niya po ako." Pagpapaliwanag ko.
Even though the words coming out of my mouth don't directly reflect what happened earlier, it's part of my way of hiding the truth. It's a way to conceal what really happened between Aaron and me. Those events were filled with pain, anger, and revenge. With every word that comes out of my mouth, I hide the details of those events, not out of fear, but in the hope of forgetting and moving on. Despite the words diverging from the truth, they contain my emotions and experiences hinting at a more complex story of revenge.
"Sus, anong hinatid ka d'yan? Hinintay ka talaga niya ate. Hinintay ka ng evol mo." Madaldal na saad ni Emman habang kumakain.
Paanong hihintayin e kaya nga siya nandoon sa labas kanina ay para bumili ng ballpen para kay Jamaica. Tss.
"Anong evol?" Nagtatakang tanong ni dad.
Nagulat naman ako sa tanong niya.
Paano ko ba ito ipapaliwanag?
Ni hindi ko nga din alam kung bakit love ang tawag niya sa akin. Tsk!
"Backward spelling po ng love dad. 'Yun po kasi ang tawag ni kuya Aaron kay ate." Sagot ni Emman.
Tiningnan ko naman siya nang masama na parang sinasabing 'ikaw ba ang kausap?'
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...