IYA POV'S
Dahil sa sobrang dami ng bananacue na aking natikman kaninang hapon, hindi ko na masyadong na-enjoy ang aking hapunan ngayong gabi. Ang tamis at sarap ng bananacue ay nagdulot sa akin ng sobrang kasiyahan na hindi ko na namalayan ang dami ng aking nakain.
"Tapos ka na ba kumain?" Pagtatanong ni mommy nang makita niyang tumatayo mula sa aming dining table. Sa kanyang mga mata, makikita mo ang pag-aalala na baka hindi pa ako busog.
"Opo mommy, busog na busog na po ako." Sagot ko na may kasamang malawak na ngiti.
Kahit na hindi ko masyadong na-enjoy ang aking hapunan, hindi ko naman maikakaila na ang bananacue kanina ay talagang nagbigay sa akin ng sobrang kasiyahan. Kaya kahit papaano, masasabi kong busog na busog ako, hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa kasiyahan.
"Masyado ka kasing matakaw." Pagbibiro sa akin ni Emman.
"Hindi ba pwedeng busog na?"
"Ganun na din 'yun!"
"Aakyat na po ako sa taas." Saad ko at nagbeso muna kayna mom and dad bago ako umakyat sa kwarto ko.
Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan kong pumunta sa terrace upang doon magpahinga.
"Ate, turuan kita magsayaw." Saad ni Emman habang nag ti-tiktok.
"No need. Marunong ako magsayaw." Confident na saad ko at kinuha ang cellphone upang mag online.
Hindi man ako eksperto pagdating sa pagsasayaw, may kaalaman naman ako kahit sa mga simpleng hakbang. Hindi ko maikakaila na hindi ito ang aking pinakamalakas na suit, ngunit hindi rin naman ito nangangahulugan na hindi ako marunong. Sa kabila ng aking kawalan ng kasanayan, may kakayahang sumayaw ako sa ritmo ng musika kahit papaano.
Ngunit kung pag-uusapan natin ang pagkanta, doon ako tunay na nag-eexcel. Ito ang aking tunay na hilig at talento. Ang bawat nota, ang bawat liriko, natural lang sa akin ang pag-awit. Ito ang aking paraan ng pagpapahayag, ang aking sariling uri ng sining. Sa totoo lang, kapag kumakanta ako, doon ko nararamdaman ang aking tunay na sarili.
"Mabuti pa si Yesha, handang magpaturo sa akin." Saad niya na may ngiti sa labi.
Nagkasundo agad silang dalawa?
"Kahit ano namang sabihin mo doon ay gagawin niya."
"Talaga?" Tila nagulat siya sa sinabi ko. "Kaya pala hindi siya tumanggi nung hinatid ko siya sa bahay nila"
"Hinatid mo siya?" I asked in disbelief.
"Oo ate." Maikling sagot na tila ay nakatingin sa alapaap.
"Hayy, mga bata nga naman." Mahinang saad ko.
Tiningnan ko na lang ang cellphone ko at aksidente ko palang nabuksan kanina ang gc namin.
Hindi ko ugaling magbukas ng message lalo na't group chat lang iyon for fun, ang mga binubuksan ko talagang message ay mga announcement at group chat naming magkakaibigan.
Maglo-log out na sana ako nang biglang magring ang cellphone ko.
Ano na naman kayang naisipan nito at may pa tawag tawag pa?
"Bakit ka tumawag, Radish?" Pagtatanong ko sa kanya.
Hindi naman ito nakasagot agad kaya't napatingin ako sa katawan niya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...