AARON POV'S
Kararating ko lang sa school nang mapatigil ako sa paglalakad dahil may nabangga akong isang babae.
Nalaglag ang dala nitong libro dahil sa pagmamadali nito.
"Ayy, sorry po. H-hindi ko po alam na makakasalubong ko po kayo.
P-pasensya na po talaga." Paghingi ng paumanhin ng babaeng nakabangga ko habang pinupulot ang nalaglag na libro."Naku wala 'yun," tinulungan ko siya sa pagpulot ng libro. "Mag-iingat ka sa susunod ah." Saad ko at inabot na sa kanya ang iba pang libro na nahulog sa kanya.
Nang magtama ang paningin naming dalawa ay halos magulat siya.
"Ala! Ikaw si Aaron di'ba? Oh! My! Im your fan!!!" Masayang sabi niya at kinuha ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. "P-pasensya na po sa nagawa ko inyo. S-sorry po talaga." Saad niya at panay ang yuko upang humingi ng paumanhin.
Natawa na lang ako nang bahagya sa ginawa niya.
"Can i ask bakit kita naging fan? Hindi naman ako artista. I mean... I'm not perfect, i only know that I'm just the cutiest man in the world." Natawa siya sa sinabi ko.
May nakakatawa ba doon?
Talaga namang cute ako ah!
Banatan ko kaya ito!
"Well, the fact na sobrang gwapo mo, i like that you change. Hindi ka na katulad ng dati na nambubully to get your attention," paliwanag niya at napatakip pa siya sa bibig. "Oh! My! Hindi parin ako makapaniwala na nag-uusap tayo ng ganito!" Nahihiyang saad niya.
"Mauna na ako sa'yo ah! Baka himatayin ka na d'yan dahil nakausap mo ang the cutiest man in the world." Saad ko at kumindat pa sa kanya.
"Okeyyyy. See you around." Kinikilig na saad ng babae at nagtatakbo na siya papunta sa may gate.
Napailing-iling na lang ako habang naglalakad dahil naisip ko na talagang ang gwapong katulad ko ay patuloy na hinahangaan ng maraming babae dito sa school na ito, bukod kay IYA!
Speaking of Iya, nasaan na nga pala siya?
Wala man lang siyang update sa akin simula kahapon. Hindi man lang siya nagtext o tumawag man lang para kamustahin ako! Hindi ba niya alam na hirap na hirap na ako dahil... Sobrang namimiss ko siya.
FLASHBACK
"Kumain ka kaya muna kuya." Saad sa akin ni Yesha habang naglalagay ng pagkain sa plato.
"Mamaya na ako kakain, hihintayin ko si Iya." Saad ko at saka tumagilid nang higa para talikuran ko siya, alam kong kukulitin na naman niya ako.
"Si Iya na naman?! Bakit sinabi ba niya na dadating siya? Nagtext ba siya? Tumawag? Nagchat? Nagtweet? Nagpost? Nag-email?" Dire-diretsong tanong niya.
"Nagpabillboard!" Pabalang na saad ko dulot ng inis.
"Wow, yaman naman talaga ng Iya na iyon ah!" Sarcastic na sabi niya.
Hindi ko na lang pinansin ang masungit niyang ugali dahil hindi ko rin naman alam ang dahilan ng pagsusungit niya kay Iya, bahala siya.
"Ano kayang nakasulat doon?" Napatingin ako kay Yesha dahil sa sinabi niya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...