Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit ang isang matipunong lalaki at may ibinulong ito kay tita Rama at saka sila nag tanguan.
"I have to go, nak. May kailangan pa akong puntahan." Saad ni tita.
"S-sige po tita. Ingat po kayo." Nahihiyang saad ko at nagmano sa kanya.
Ngumiti naman ito bilang sagot.
Nauna na akong maglakad dahil sobrang late na ako. Halos lakad takbo na ang ginawa ko upang marating ang aming room.
Nang marating ko ang aming silid ay dinig na dinig ko na ang boses ni ma'am Cecille. Hindi ito malakas ngunit sakto lang upang marinig ng bawat estudyante ang itinuturo nito.
"Ma'am, sorry. Im late." Hinihingal kong saad.
Halos ang lahat sa silid na ito ay napatingin sa gawi ko.
"Iya!" Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Sophie.
Nakiyakap na rin sina Jamaica, Akesha, Stephanie, at Nicole sa akin.
Anong meron?
"Kamusta ka na bessy? Ok ka lang? Nag-aalala kami sayo!" Sunod-sunod na saad ni Jamaica.
"Ayos ka na ba, Iya?" Pagtatanong ni Akesha.
"Bakit ka pumasok ngayon? Dapat magpahinga ka muna." Nag-aalalang saad ni Stephanie.
Nakakaramdam ako ng labis na kaba at tensyon dahil sa walang humpay na pagtatanong nila sa akin. Parang hindi na nauubusan ng mga katanungan, isa-isa, sunod-sunod, na tila ba hindi ako pinapahinga. Ngunit, sa kabila nito, mayroon ding isang bagay na nagiging dahilan ng aking pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit sila sobrang nag-aalala sa akin. Ang kanilang pag-aalala ay tila ba higit pa sa normal, na nagdudulot sa akin ng kakaibang damdamin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o maging masaya dahil sa sobrang atensyon na ibinibigay nila sa akin.
"Matagal ba kayong hindi nagkita kita?" Pagtatanong ni Cliere habang nakacross arm pa.
"Dapat siguro ay magpaliwanag ka kung bakit ka late... In this school, walang sinuman ang maaaring pumasok ng late unless you gave an offer to our guard to enter you." Dagdag pa ni Cliere.
Nanggagalaiti naman akong napatingin kay Cliere.
Nagbigay ako ng offer?
Kahit late ako hindi ko ugaling gumawa nun!
"Magkano kayang binigay niya?" Bulong ng isang babae.
"Malaki siguro, mayaman naman siya eh."
"Baka binigyan niya ng mga damit. Balita ko kasi ay may mall sila."
"Maliit na halaga lang 'yung damit. Kahit ako ay hindi ko tatanggapin iyon noh."
"Baka appliances beh."
Tila nabingi ako dahil sa bulong-bulungan na narinig ko mula sa aking mga kaklase.
"Can you please stop!" Pakiusap ni Kyler sa mga kaklase namin bago ako nilapitan.
Tiningnan ko naman ito sa kanyang mga mata na parang sinasabi na 'ok lang ako'.
"Kyler, go to your proper sit!" Saway ni ma'am na agad namang sinunod ni Kyler.
Binigyan ko siya ng magandang ngiti upang hindi na siya mag-alala.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...