CHAPTER 4: COFFEE LATTE

363 205 9
                                    

There are moments in life where unforeseen events occur, and these unexpected happenings can have a profound influence on our lives. These events might come without any warning, catching us off guard, and can significantly alter the course of our lives.

The impact of these unexpected happenings can be immense. They can challenge our beliefs, force us to reevaluate our priorities, or push us out of our comfort zones.

They can make us question our decisions, reassess our goals, or even redefine our understanding of ourselves and the world around us.

While the unpredictability of life can sometimes be daunting, it's important to remember that these unexpected events, regardless of whether they are positive or negative, can have a significant impact on shaping our lives. They can be powerful forces that drive us forward, helping us to grow and transform into better versions of ourselves.

Nagulat ako sa ginawang pagyakap sa akin ni Ashton.

Bakit naman pabigla-bigla?

At saka, anong sinabi niyang namiss niya raw ako?

Ano bang sinasabi niya?

E ngayon nga lang kami nagkasama e.

Itinulak ko siya kaya't natumba siya sa sahig.

Hindi ko na siya nagawa pang tingnan dahil nagtatakbo na ako papunta sa oval. Pumunta ako sa may ilalim ng puno at pinagmasdan ang paligid habang may malalim na iniisip.

Anong sabi niya kanina?

Na miss niya ako?

For what reason?

Bago pa lang kaming magkakilala ah!

Paano niya ako mamimiss ng ganun?

Luko ata yun e!

Naalala kong muli kung paano niya ako niyakap. Yung yakap na sobrang higpit. Yung yakap na parang wala ng bukas.

Nanindig ang mga balahibo ko.

Ihhh! That's so cringe!

Is he crazy? ..... He is crazy!

"Tarantad*... Baliw!" Galit na sabi ko habang nakatingin sa mga sunflower na naroon lang malapit sa aking tabi. Pinaghahampas ko ito at wala akong pake kung masira man ito. Lintek na yan!

Sandali akong napatahimik at pinagmasdan ko ang buong paligid. Puno ito ng iba't-ibang klaseng bulaklak. Makukulay at napakapresko rito. Actually, para na nga itong isang garden. Iilan lang kasi ang napunta dito kaya't nilagyan na nila ng mga bulaklak. Siguro ay bibili na lang ang mga Madrigal ng lote malapit sa university na ito upang gawing panibagong oval, mayaman naman sila eh.

Sa hindi kalayuan ay napansin kong magkausap sina Aaron at Cliere. Tila hindi maganda ang nagiging pag-uusap nila dahil sa napapalakas nilang mga boses.

"Umalis ka na!" Galit na sabi ni Aaron.

"Please give me another chance Aaron." Paki-usap ni Cliere.

"Kanina lang e nakikipaglandian ka pa tapos hihingi ka ngayon ng chance? Ang lakas mo namang humingi ng chance kung ganun!.... Nababaliw ka na ba?.... Nakikita mo pa ba ang sarili mo?" Natatawang sabi ni Aaron.

"S-sorry." Yumuko si Cliere ng bahagya.

Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Aaron. "Cliere,  tama na. Past is past. Walang sinuman ang gusto pang bumalik sa nakaraan at hindi ako tanga para saktan ko ang sarili ko nang paulit-ulit!"

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now