Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip muna kung may tao ba sa labas, nang makita kong wala namang tao ay nagpatuloy na ako sa paglalakad upang makalabas ng silid.
Mabilis akong nagpunta sa upuan para kunin ang bag ko.
"Kain na nak." Pag-aalok ni nanay Francisca habang inilalapag sa lamesa ang niluto niyang sinigang.
Napatingin ako kay Aaron na abala sa pag-aayos ng mga plato.
Nang magtama ang paningin naming dalawa ay agad akong umiwas sa kanya.
Paano ko siya haharapin?
Ako ang nahihiya para sa ginawa niya e! Nakakainis naman!
Babae ba talaga ang dapat na mag-suffer? Huhu!
"Kumain ka na, may pupuntahan tayo." Saad ni Aaron at hinila ang upuan na malapit sa tapat ko.
"Ha?"
"Sabi ko kumain ka na."
"Hindi na, busog pa ako."
"Nabusog ka ba dahil sa halik ko?" Mahinang tanong niya, nagulat ako sa naging tanong niya kaya't kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aray ko naman." Pagdaing niya.
"Tama na 'yan mga anak, kumain na tayo." Natatawang saad ni nanay.
"Lagot ka sa akin mamaya." Bulong ko sa kanya at sinamaan ko siya nang tingin bago tuluyang umupo.
Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko bago naglagay ng sa kanya. "Ubusin mo 'yan ah." Saad niya.
Kumain na lang ako at hindi na siya pinansin.
"Nasaan po pala sa tatay Abraham?" Pagtatanong ko kay nanay.
"Nasa palengke," si Aaron ang sumagot.
Tinarayan ko siya. "Tsk."
Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain kaya't niligpit na ni nanay Francisca ang mga plato, tutulungan ko na sana ito nang biglang hablutin ni Aaron ang kamay ko at lumapit siya kay nanay Francisca.
"Maupo na kayo doon nay, ako na d'yan." Saad niya habang nagliligpit.
"Hindi na, ako na nak... Asikasuhin mo muna si Iya."
"Hindi na po nay, uuwi na din po ako." Napatigil si Aaron sa ginagawa niya dahil sa sinabi ko.
OA naman nito! Akala mo naman ay isang masamang balita ang sinabi ko e.
"Ano?... Uuwi ka na? Akala ko ba ayaw mong umuwi sa bahay ninyo dahil wala kang kasama, kaya nga tayo nagpunta dito di'ba! Tapos after mong mag-ayos at kumain ay uuwi ka na! Ganun na lang 'yun?" Dire-diretsong reklamo nito.
"Nak, ayaw mo ba siyang pauwiin?"
"Opo... Ay hindi pala... Ay hindi, basta!" Hindi maintindihang sagot niya.
Bahagya naman akong napangiti.
"Umupo ka na lang doon. Ako na ang maghahatid sa 'bahay' niyo. Tatapusin ko lang ito." May diing saad niya.
"Okay, salamat." Saad ko pero hindi yata siya natuwa dahil naiinis siyang tumingin sa akin.
Umupo na lang ako at nag-ayos ng sarili.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...