SOPHIE POV'S
KINABUKASAN
Kababangon ko lang pero para akong nananaginip dahil agad na bumungad sa harapan ko si Kuya Kalix na bihis na bihis. Nakasuot ito ng white polo shirt at black pants na talagang bumagay sa kanya.
"Kainamang aga mo naman ngayon kuya." Saad ko kay kuya nang makita ko itong bihis na bihis.
Napatingin pa ako sa orasan at nakita kong 4:30 pa lamang ng umaga
Saan naman kaya ang lakad ng lalaksot sa a're?
(lalaksot- lalaki)
"Samahan mo ako ngayong umaga ah." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Ano? Bakit? Saan naman ang punta mo? Diga'y may pasok ako." Sunod-sunod na sabi ko.
"Kaya nga." Maikling saad niya.
Binigyan niya ako ng mahiwagang ngiti bago pumasok sa kwarto nila.
Anong ibig niyang sabihin?
Agang-aga e kung ano-anong pinagsasabi?
"Kuya, buksan mo nga a're. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo e." Saad ko at pilit na binubuksan ang pinto pero nakalock ito.
"Kumain ka na lang bunso, may pagkain na d'yan." Sigaw ni kuya mula sa loob.
Pailing-iling akong naglakad at kumain na lang.
"Ineng, may jowa ba iyang kuya mo?" Biglang tanong sa akin ni tatay habang inaayos ang sako.
"Bakit ho?" Nagtataka kong tanong.
"Ay naku, alas dos pa lang e mulaga na. Nakatutok sa cellphone niya tapos e pangiti-ngiti pa." Pagkukwento ni tatay.
(mulaga- gising)
"Baka naman ho may kachat laang." Saad ko pero nagtataka pa rin ako sa ikinikilos ni kuya.
"Aba'y aywan ko. Nakatingin lang sa cellphone niya eh. May kachat ba kapag gay'on?" Nagtaka ako sa sinabi ni tatay.
"Nakatingin laang? 'Yung nakatitig laang ho?" Tanong ko.
"Uo, gay'on nga ineng," sagot ni tatay na ipinagtaka ko. "Ay siya. Aalis muna ako't mangungumpay. May kumpayan daw dine sa mga kuya Pedring. Baka maubusan pa ng kuwan." Saad ni tatay habang inilalagay ang itinuping sako at gulok na may tali sa bewang niya.
(Sa Batangas, sa amin ay gay'on ang nangungumpay.)
"Kumain ho muna kayo." Pag-alok ko sa kanya ng pagkain at tumayo para kumuha sana ng plato.
"Mamaya na laang pagbalik, maraming kuwan e." Saad niya.
"Sige ho. Ingat ho kayo." Saad ko at muling naupo at kumain.
Muli akong napaisip sa kung anong pinagsasabi ni Kuya kalix kanina.
Dapat ba akong mamroblema dahil baka nga may girlfriend na si kuya o maging masaya na laang dahil malaki na naman siya at kaya na niyang bumuhay ng pamilya?
Natutustusan na naman niya ang pangangailangan namin at napag-aral niya pa ako sa pinakamalaking school, sa BMU.
Naalala ko tuloy noong dalawang linggo pa lang akong nag-aaral dito sa BMU.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...