CHAPTER 62: TROUBLOUS KID

89 52 0
                                    

Makalipas ang ilang minuto ay handa na kaming umalis kaya't itinext ko kay Virang ang address kung saan kami magkikita at sinabi ko rin sa kanya na may surpresa ako sa kanya.

From: Virang
Address namin ito ah.

Napangiti ako sa reply niya.

To: Virang
Kaya nga, d'yan tayo magkita sa bahay niyo.

Reply ko, nag-send pa ako ng emoji na sobra sa pagtawa.

"Aalis ba tayo o makikipag-ngitian na lang sa cellphone?" Tanong ni Willem.

Tss, panira naman nito.

Nag-drive na lang ako at itinuon ang paningin sa paligid. Habang nasa byahe ay panay ang kulit sa akin ni George na tawagan ko daw si Virang pero ayaw ko naman iyong gawin dahil gusto ko siyang surpresahin.

Makalipas ang mahabang oras ng aming pagbyahe ay nakarating na rin kami. Pagbaba pa lamang ay makikita na agad ang ganda ng paligid. Bukid ito pero malinis tingnan. Napakaraming tanim na iba't-ibang gulay at mayroon ding mais at palay na makikita rito, talagang bukid na bukid. Ibang-iba ito sa pinanggalingan ko.

Hindi pa ako tapos mag-obserba sa paligid nang bigla kong makita si Virang na tumatakbo palapit sa akin...

Mali pala, kay George lang pala.

"Mommy Vy! Na-miss po kita."

"Talaga ba?"

"Opo, miss na miss po sobra."

"Na-miss rin kita." Saad niya at binigyan nang maraming halik sa pisngi si George.

"Siya lang ba ang may kiss?" Nagtatampong tanong ni Willem.

"Syempre meron ka din." Binigyan niya din ito ng kiss sa pisngi.

Siguro may gusto ang batang ito kay Virang. Tss... Bakit naman kaya siya pa ang nagustuhan nito?

"Nag-aaral ba kayong mabuti? Kumakain ba kayo nang madami?"

"Opo! Palagi nga po akong perfect sa quiz namin e."

"Wow! Galing naman ng baby ko."

"Thank you mommy Vy."

After nilang makapag-usap ay pinapasok na niya kami sa kanilang bahay. Maliit lang ang bahay nila pero maayos tingnan at malinis. Gawa sa bato ang kanilang bathroom  hanggang sa salas pero ang kanilang kusina ay gawa sa kawayan. Maraming mga putol na kahoy ang makikita rito na siguro ay gagamitin nilang panggatong upang makaluto ng pagkain. Maging ang lugar ng kanilang pinaghuhugasan ng plato ay gawa rin sa kawayan. Sa kanilang dining area naman ay may mahabang lamesa at isang upuan na mahaba rin na kung saan ay mga limang tao lamang ang makaka-upo rito. Meron din silang refrigerator na maliit lamang at medyo may kalumaan na pero nagagamit pa ito dahil maririnig ang ugong nito.

Sa kanilang salas naman ay may mahabang upuan na nakapwesto malapit sa kanilang tv. Meron ding mga storage box na nakatayo sa tabihan na may lamang mga personal na gamit nila. Sa pader naman ay may nakalagay na ilang picture nilang magkakapatid pero hindi sila sama-sama, ang kalimitang pictures ay about sa graduation, pag-abay sa kasal, at flores de mayo.

Napangiti ako sa isang picture doon ni Virang na nakasuot ng isang light green gown na masayang-masaya sa picture. May light makeup rin ito na bumagay sa kaniyang mukha. Ang cute naman!

Kasama ring nakapaskil doon ang napakaraming medal at award nilang magkakapatid.

Napahinto ako sa pagmamasid sa kanilang bahay nang biglang may lumabas na isang lalaki mula sa kwarto na nasa kanan. Nakasuot ito ng isang makapal na jacket habang may tapal sa noo.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now