CHAPTER 61: BACK AGAIN

89 54 2
                                    

SKYLER POV'S

Ilang araw kong pinag-isipan ang gagawin kong desisyon ngayon dahil malaki ang magiging epekto nito para sa akin at kay Virang. Hindi ko alam kung mabuti ito o hindi pero gusto ko pa rin itong gawin dahil sa palagay ko ay ito na ang magiging tamang desisyon ko sa buong buhay ko.

Pagkagising ay agad kong hinanap ang information ni Virang pati na rin ang sa kanyang ama at halos magkatulad nga sila. Agad kong tiningnan ang address nila dahil gusto kong pabalikin siya dito sa bahay. Tama kayo, pababalikin ko nga siya rito sa bahay dahil malaki ang naging epekto niya sa akin noong nawala siya. Bukod sa wala ng taga luto, naglilinis at naglalaba ay wala na ring nangungulit sa akin. Para bang bigla na lang bumalik sa tahimik ang buhay ko. May nagawa mang mali ang kaniyang ama noon ay wala naman siyang kasalanan sa nangyari dahil naging anak lang siya, wala rin naman siguro siyang alam tungkol sa nangyari sa amin ng kaniyang ama. Gusto ko rin namang makatulong sa kanya lalo na sa kapatid niyang nasa ospital.

Agad na akong naligo at pagkatapos n'on ay umalis na ako. Hindi ako umattend ng klase namin ngayon dahil mas kailangan ko itong gawin. Hindi ko rin kasi handang makita si Iya at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin dahil sa nangyari.

Nakakalungkot at nakaka-miss dahil hindi ko siya nakakasama. Sana lang ay nasa maayos siyang kalagayan.

Ano na nga kayang nangyari sa kanya?

Miss na kita, Iya... I'm sorry sa nagawa ko.

Napahinga ako nang malalim sa naisip ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pagda-drive at makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa bahay nina Hilda, sa dati kong yaya. Gusto ko silang isama sa Bataan kung saan nakatira sina Virang.

Matutuwa kaya sila o magagalit sa akin?

"Tao po!" Sigaw ko sa labas, maliit lamang ang gate kaya't makikita kung sino ang lalabas mula sa bahay nila upang pagbuksan ako at papasukin sa kanilang munting bahay.

"Ikaw na po ba 'yan?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ng gate, sinilip ko ito at nakita ko doon ang isang batang babae.

Hawak-hawak nito ang mga papel habang dismayadong nakatingin sa akin. Siya siguro iyong bata na narinig kong kausap ni yaya Hilda noong huli kaming nag-usap. Siguro ay nasa walo na ang edad niya.

"Mama!" Tumakbo ito papasok sa loob at maya-maya lang ay kasama niyang lumabas ang ina niya.

"Oh, kayo pala 'yan sir Kyler. Pasok po kayo." Nakangiting saad niya at pinagbuksan ako ng gate.

Pagpasok ko pa lang ay mapapansin na kakaiba tumingin sa akin ang isang anak niyang lalaki. Siguro ay nasa labing lima na ang edad nito or baka mas bata pa dahil masyadong maliit ang mukha niya pero matangkad naman siya. Maputi ang balat niya at maayos ring pumorma pero mas maayos pa rin ako. Lakas kaya ng appeal ko noh!

"Bumati kayo Willem at George, siya si kuya Kyler niyo. Dati ko siyang amo." Pagpapakilala sa akin ni yaya Hilda sa mga anak niya.

"Alam ko." Maikling saad ni Willem at pumasok sa kwarto.

Siya siguro iyong kinukwento ni yaya Hilda na nagawang pakainin at palabasin sa kwarto ni Virang na bihira lang daw na mangyari. Ano naman kayang rason ng batang ito!

"M-mama," kinakabahang saad ni George at nagpunta siya sa likod ng ina niya.

"Say hi to your kuya Kyler." Nakangiting saad ni yaya Hilda sa anak niya.

"No, ayoko po. He's bad to mommy Vy." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Sino pong mommy Vy." Pagtatanong ko, tiningnan niya muna ako bago sumagot.

AN: Mommy Vy pronunciation (Mami Vi)

"Si Ivy Joy, mommy Vy lang ang tawag niya."

"Ah." Nagpatango-tango ako.

Mommy Vy pala ah! Cute naman.

"Nga pala sir, ano pong kailangan niyo at naparito kayo?"

"Gusto ko po sanang isama kayo sa aking pupuntahan. Okay lang po ba?"

"Po? Bakit sir? Saan po ba kayo pupunta?"

"Balak ko po sanang pumunta sa bahay nina Virang, gusto ko pong pabalikin siya sa bahay."

"Si Virang po? Si Ivy Joy?" Gulat na tanong ni George.

Mabilis na lumabas ng kwarto si Willem at kaninang galit sa mukha niya ay nawala na lang bigla at pare-parehas silang napangiti.

"Pupunta tayo kayna Ivy? Kailan? Ngayon na ba?" Sunod-sunod na tanong niya, tumango ako bilang sagot.

Tumalon-talon naman ito na para bang nanalo siya sa contest.

"Are you serious?" Tanong ni Willem.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm sorry for not being good to your mommy Vy." Saad ko kay George at niyakap din siya.

"It's okay basta mag-sorry ka po sa kanya ah."

"Oo naman. Promise ko sa'yo, isasama ko siya pabalik."

"Talaga po?"

"Oo, kapag ayaw niyang sumama sa atin ay ilalagay natin siya sa loob ng sako, kasya naman 'yun dahil maliit lang siya."

"Daddy Ky naman e, you are always too bad to mommy Vy. Isusumbong kita."

"What did you call me? Daddy Ky?"

AN: Daddy Ky pronunciation (Dadi Ki)

"Yes po, ayaw niyo po ba? I will call you na lang po na tito Ky."

"No, no, no. It's okay. I like it."

"Okay po, simula po ngayon ay tatawagin ko na kayong daddy Ky. Tara na po kay mommy." Hinila niya ako patayo.

"Did you already take a shower?" Nahihiya siyang umiling.

"Take a shower na, hihintayin kita rito."

"Okay po, d'yan ka lang ah." Itinuro pa niya ang pwesto ko.

Natatawa naman akong tumango sa kanya.

"Hintayin mo rin ako." Saad ni Willem at pumasok sa kaniyang kwarto.

Si yaya Hilda naman ay nag-aayos ng dadalhin ng mga anak niya.

Habang abala sila sa kanila-kanilang ginagawa ay lumabas ako sa kanilang maliit na terrace at tinawagan si Virang. Naka ilang tawag pa ako bago niya sagutin ang tawag ko.

"Umm sir Ky, kayo po ba ito?"

"Oo, ako nga... May gusto sana akong sabihin sa'yo."

"Sige po sir, ano po ba iyon? Tatanggalin niyo na po ba ako trabaho? Okay lang po sa akin iyon sir, alam ko naman po na may nagawa akong mali sa inyo. Pasensya na po sir ah." Sunod-sunod na sabi niya.

"Hindi 'yun Virang."

"E ano po?"

"Basta magkita na lang tayo. Ite-text ko na sa'yo 'yung lugar."

Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang sumigaw si George.

"Daddy Ky! Daddy Ky!!! Where are you?" Bigla niya akong niyakap nang makita niya ako, sa palagay ko nga ay tutulo na ang luha niya.

"Hello sir... Sino po iyon? May anak na po ba kayo?" Pagtatanong ni Virang sa kabilang linya.

Nagkatinginan kami ni George bago ko pinatay ang tawag.

"Is that Mommy Vy?"

"Yeah, akala niya may anak na ako." Saad ko at saka kami tumawa.

***

ICONIC LINE

GEORGE: No, ayoko po. He's bad to mommy Vy.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now