AARON POV'S
Simula ng magpunta kami sa Cebu ay halos palagi na kaming magkasama ni Iya. Nakakatuwa dahil walang nakakapansin n'on, ilang araw na kasing hindi napasok si Kyler at si Aleck naman ay hindi madalas napunta dito dahil nagpa-practice sila para sa gaganaping basketball game.
Muli kong naalala 'yung sinabi ni Cliere sa akin noong nakaraan.
---
"Sinabi sa akin kanina ni kuya na may gusto raw siya kay Alliah at gagamitin niya raw si Stephanie para magselos si Alliah."
---Totoo nga kaya 'yung sinabi niya?
Posible ba 'yung mangyari?
Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla akong sikuhin ni Mycko.
"Bakit nandya-dyan ka pa? Parating na si ma'am oh." Tumingin siya sa kapapasok lang na si ma'am Cecille.
Tumango ako sa kanya at sumunod na papasok ng room.
"Good morning!" Masiglang bati nito.
"Good morning ma'am." Bati namin lahat sa kanya.
"Update lang sa ating gagawing presentation. Dapat ito ay gaganapin ngayon pero dahil on some issues na nangyari ay it will be presented on next month. So you have many weeks to prepare for it. Okay lang ba sa inyo? Or it is clear?"
"Parang katagal naman ah. Baka kami ay graduate na." Pabirong saad ni Jamaica.
"Hindi 'yan, mayroon kasing malaking pagbabago for this activity"
"Ano naman 'yun ma'am?" Curious na tanong ni Chester.
"Ang sinabi ko kanina ay joke lang." Saad ni ma'am.
Sa halip na matuwa ay nagtaka pa kami sa sinabi niya.
"Di'ba ang sabi ko sa inyo kanina ay gagawin itong group activity. But our schools college department and our Dean Directress was decided na magkakaroon tayo ng Coronation Night for the candidate for Mr. and Ms. BMU at isa sa mga attire doon ay about sa program kaya ipo-portray natin doon ang History na sinabi noon ni Ms. Alliah. Are we clear?"
Lumawak ang ngiti sa aming lahat.
So gagawin na itong Pageant?
Magandang idea nga iyan?"Bakit hindi ko ito alam!?" Galit na tanong ni Cliere.
Hindi siguro siya na-inform ng mga magulang niya about sa gagawing activity na ito.
"Sorry for that Cliere but i have no idea about that. Mas mabuti if you ask your parents dahil baka may reason sila." Saad ni ma'am sa kanya pero tila galit pa rin na tumango si Cliere. "Back to our topic, each of the six departments in this University will have an two representatives: one male representative for Mr. BMU and one female representative for Ms. BMU, is that clear?" Paliwanag ni ma'am.
Kung kukuhanin nilang representative si Iya ay magprepresenta na ako para sa aming department HAHAHA.
"Since this idea will came from Ms. Alliah Joyce Lavaro, she will be the one of the representative of our department." Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni ma'am.
"P-po? Ako po?" Tila pinoproseso pa niya ang narinig niya.
"Yes, that's the request of our Dean."
"Ano?! Hindi pwede 'yan!" Pag-angal ni Cliere at napatayo pa ito sa kaniyang upuan.
"Don't worry Cliere, i heard that you will be the one of the judges so no need to worry about it and it just a competition, right?"
"Yes!" Kami na ang sumagot.
"But ma'am, we need to choose the right person to be our representative. Dito nakasalalay ang ating Education Department! Paano na lang kapag natalo tayo?!"
Grabe naman siya!
Sumosobra na yata siya!
Masyado niyang minamaliit ang evol ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't tumayo na ako, naiinis na ako.
"Bakit pagkatalo agad ang nasa isip mo ah?!" Galit na tanong ko sa kanya. "Hindi mo man lang ba naisip na it's a great opportunity for her to show who she is... Alam mo, porke ayaw mong magpatalo ay gusto mo na ikaw ang sasali! Syempre papabor sa'yo ang lahat dahil iyon ang gusto mo pero hindi naman talaga ikaw 'yun e... Ang totoong Cliere, 'yung walang modo, walang disiplina, hahayaang masaktan ang damdamin ng iba para lang sumaya! Ikaw 'yun e... But this pageant ay hindi ginawa para magpakitang gilas, ginawa iyon para ipakita kung sino ka. Para ipakita kung ano ang totoo mong katauhan." Inis na saad ko sa kanya, nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.
Huminga muna ako nang malalim bago tumingin kay Iya at ngumiti.
"The best talaga ang nag-iisang the cutiest man in the world!" Saad ni Akesha, palagi niya sigurong naririnig sa akin ang famous line na iyon.
"Hindi lang da best, wise pa."
"Quite students!" Saway ni ma'am.
Nang tumahimik na kaming lahat ay lumapit ito sa akin at kay Iya. Inutusan niya kaming pumwesto sa unahan.
"Perfect! They will be our representative!" Masayang saad ni ma'am.
"Yown! Congrats!" Pagbati ng mga kaklase namin na may kasamang pang-aasar.
"Yieeeee!"
"Perfect couple talaga!"
"Pwede nang mamaysan."
"Bulungan na agad!" Sigaw ni Sophie.
"Hoy hoy, hindi porke student-centered ay kung ano-ano na ang sasabihin niyo. May teacher pa rin oh!" Tinuro niya ang sarili niya. "Mamaysan na nga ba?" Pabirong tanong sa akin ni ma'am.
"Kung gusto na po ni Iya." Hinampas ako ni Iya dahil sa sinabi ko.
"Ako pa talaga ah?" Tumango agad ako sa tanong niya.
"Yieeeeee."
"Putek! Lakas ng chemistry niyo! Natalo niyo pa ang putok ko!" Napatawa naman kami sa sigaw ni Beejay.
***
ICONIC LINE'S
AARON: But this pageant ay hindi ginawa para magpakitang gilas, ginawa iyon para ipakita kung sino ka. Para ipakita kung ano ang totoo mong katauhan.
BEEJAY: Putek! Lakas ng chemistry niyo! Natalo niyo pa ang putok ko!
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
عاطفيةUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...