CHAPTER 63: NOUS

92 53 1
                                    

"Masyado na kasing matured ang isip niya." Saad ni Virang habang pinipigilan ang tawa niya.

"Kahit pa matured o hindi, dapat hindi siya ganun! Dapat hindi siya nakikinig sa usapan ng iba! Dapat hindi siya nang-iinsulto!... Hindi ko tuloy masabi na gusto kitang pabalikin sa bahay! Alam mo 'yung mga kapatid mo, kakaiba talaga!" Inis na saad ko kay Virang pero nakangiti lang ito "Bakit ganun niyo sila pinalaki? Dapat ito na lang ang pinalaki niyo!" Saad ko kay Mr. Hollis habang nakatingin kay Virang at ang kaninang ngiti ay nawala na lang bigla.

"Okay na sana 'yung sinabi mo e, kung hindi mo lang sana 'dinugtungan' pa." May diing saad niya.

"Bakit ano bang sinabi ko?"

"Ano?... Sinabi mo kanina na gusto mo akong pababalikin sa bahay di'ba? Iyon ang sinabi mo di'ba?" Pagtatanong niya, inaalala niya siguro kung tama ba 'yung narinig niya habang ako naman ay iniisip kung nasabi ko na nga ba iyon sa kanya.

"Maupo nga kayong dalawa." Naupo kami gaya ng sinabi ni Mr. Hollis habang patuloy na nag-iisip.

"Sinabi ba niya?" Tanong ni Virang sa tatay niya, napatanong na rin ako.

"Sinabi ko ba?" Tanong ko.

"Uo, sinabi niyo!" Naiinis na sagot niya, hindi ko napansing nasabi ko na pala iyon.

Kasalanan iyon ni Howard, lagot siya sa akin!

Siya ang bibigyan ko ng bente!

"Kaya nga dapat ay mag-ayos ka na ng gamit mo." Saad ni Mr. Hollis kay Virang.

"Hindi naman po magulo e."

Tsk! Alam ko na kung saan nagmana ang kapatid niya.

"A-ang ibig ko pong sabihin ay hindi ko nagulo," natatawang saad niya.
"Hindi ko naman po naalis sa maleta ang mga gamit ko dahil alam kong babalikan po ako ni sir Ky." Dugtong pa niya.

"Tss, napakayabang talaga." Napairap pa ako.

"Totoo naman 'yung sinabi ko ah!" Pakikipagtalo niya.

Tumahimik na lang ako dahil iniisip ko ang kalagayan ngayon ni Mr. Hollis, wrong timing yata ang pagpunta ko dito dahil mas kailangan siya ng anak niya.

Ang hirap kapag walang mag-aalaga sa kanya lalo na kapag ganitong panahon na may sakit siya. Naranasan ko na 'yan, ilang beses na. Ang hirap bumangon sa umaga, natatamad kumain, gusto mong humiga lang kasi nahihilo ka palagi at para kang masusuka... kaya't mas mabuti na sa ngayon ay may taong sasamahan siya hanggang sa gumaling na siya. Hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya. Naalala ko tuloy si Daddy.

"Sa ibang araw na lang ako babalik." Saad ko.

"Ha?" Nagtataka silang napatingin sa akin.

"E may sakit kasi kayo Mr. Hollis , Kailangan niyo po ng makakasama ngayon. Babalik na lang po ako kapag talagang magaling na kayo."

"Naku sir Florez, hindi na po... Kaya ko na ang sarili ko. Iinom lang po ako ng gamot tapos ay mawawala rin ito."

"Ah, ganun po ba." Tumango-tango ako sa kanya pero nag-aalinlangan pa rin ako. "Sige po, isasama ko na po si Virang pabalik ng Batangas." Saad ko, gustuhin ko mang humindi sa kanya ay mukhang hindi niya gugustuhin dahil kailangan rin nila ng pera ngayon.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now