AARON POVS
"Tol, tulungan mo ako."
Kasalukuyan akong nagre-review para sa finals namin nang tumawag sa akin si Chester, mukhang nakainom siya.
"Anong problema? Anong nangyari?"
"Si Jamaica kasi..." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
Bakit niya nabanggit si Jamaica?
Nagkaasaran na naman ba sila?
Magsasalita na sana ako nang magulat ako sa sunod na sinabi niya.
"We kissed."
"Ano?!"
"Nag-kiss nga kami!"
"Bakit? Saan? Paano nangyari?"
"Nasa rooftop ko siya kanina, sigaw nang sigaw, tapos nagkausap kami dahil may family problem siya."
"Oh tapos? Paano kayo nag-kiss? Hinalikan mo bigla?"
"Hindi pre! Natumba kami pareho tapos ayun, aksidenteng nag-kiss kami."
"Ano? Paanong aksidenteng nag-kiss kayo kung natumba lang naman kayo."
"Hinalikan ko siya!"
"Yown e di hinalikan mo nga---Wait, ano? Hinalikan mo? Bakit mo hinalikan?" Kung magkasama kaming dalawa ay baka nabugbog ko na siya.
"Nandoon na e."
"Lintek ka! Hindi dapat basta-basta humahalik sa isang babae! Dapat tanungin mo muna siya."
"Tss, akala mo siya ay nagtatanong muna e."
"Sa noo lang ako humahalik sa kanya, showing respect."
"Ganun na rin 'yun."
"Tss ewan ko sa inyo, bahala kayo mag-usap bukas."
"Tol naman, hindi ko siya kayang harapin."
"Nagawa mong halikan tapos natatakot kang makita siya?"
"E syempre tol, baka masuntok ako n'on."
"Dapat nga e kanina ka niya sinuntok ng matauhan ka... Magkaaminin nga tayo... may gusto ka ba sa kanya?"
Siguradong meron dahil hindi siya manghahalik sa isang babae kung wala.
"Kaunti lang."
"Anong kaunti lang?... Hindi mo ba nararamdaman na parang sasabog ang puso mo kapag nakita mo siya?"
Napangiti ako, iyon kasi ang pakiramdaman ko sa tuwing makikita ko si Iya.
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...