AARON POV'S
Sobrang dami kong realization simula noong dumating si Iya sa buhay na nakapagpabago sa akin.
Una, mas gusto ko nang pumapasok, hindi lang para makita siya kundi para mag-aral na rin ng mabuti. Pangalawa, i realized kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Ang isang tao kasi sapat na 'yung halaga nila upang malaman mong mahalin sila ng sobra-sobra. Lastly, i realized how much i love her. Hindi man masusukat, matitimbang, o mabibilang ang pagmamahal ko sa kaniya at least she appreciate my love.
Nakakatuwa nga e. May mga time na bigla-bigla na lang akong sasayaw kahit walang tunog. Gusto ko kasing ipakita sa kanya kung sino talaga ako. Kung ano ang totoo kong ugali. Love is expressing its truth, not just its kindness.
Dumating ang ilang araw na nararamdaman kong parang lumalayo si Iya sa akin, saka ko lang naalala na may mali pala akong nagawa sa kanya; ang halikan siya nang biglaan!
Ayoko naman kasi iyong gawin dahil gusto ko siyang respetuhin pero dahil sa lintek na alak na iyan ay lumakas ang loob ko para umamin sa pangatlong pagkakataon.
Ilang beses pa nga kaya akong aamin sa kanya?
Narito kami ngayon sa Sombrero Island sa Tingloy, Batangas at tahimik na nakikinig sa daloy ng tubig habang kumakain ng brookie cookies. Maganda ang napili kong lugar upang magmuni-muni siya, alam kong nalulungkot siya kaya perfect talaga ang lugar na ito para sa kaniya.
"May dumi ba sa mukha ko?" Pagtatanong niya habang patuloy na kumakain.
"Wala naman." Umiwas ako ng tingin, hindi ko napapansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kaniya... in short nakatitig.
Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa kong paghalik sa kanya. Bigla tuloy akong nailang sa kanya.
"Ahhh... Kain ka." Inalok niya ako ng pagkain pero umiling lang ako.
"Sabihin mo muna kung anong problema mo bago ako kumain." Saad ko, umiyak siya kanina kaya sigurado akong may problema siya.
"Tss, magutom ka d'yan."
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin. Mahirap kapag sinasarili ang problema. Kaya nga ako narito para may kausap ka di'ba? Para may mapagsabihan ng problema. Habang buhay tayong magsasama kaya sabihin mo sa akin ang problema mo, ayoko ng hindi ka nagsasabi sa asawa mo."
"OA nito, lampas ka na sa limits mo. Alam mo... Hayaan mong ako ang magsabi ng problema ko, huwag mong pilitin. Mas masakit e."
"Okay, I'm sorry mahal ko. Hindi na mauulit." Napatitig siya sa akin dahil sa sinabi ko.
Sheesh! Ayos siguro 'yung sinabi ko lalo na 'yung bago kong call sign sa kaniya na "mahal ko" BWAHAHAHA.
"A-anong sinabi mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Sabi ko hindi na mauulit. Tara na nga, may pupuntahan pa tayo e." Saad ko at tumayo na.
Iniwan ko siyang nakatulala habang patuloy na nag-iisip doon. Napapangiti ako habang naiisip ko ang bagong call sign sa kaniya.
Ano bang mas magandang call sign, 'yung 'evol o 'mahal ko' ? Mas maganda yata 'yung pangalawa. Haha bahala na.
Sumakay na kami sa kotse at umalis na. Habang nasa byahe ay tulala pa rin siya na halatang may iniisip.
"Mahal ko, ayos ka lang ba? Saan mo gustong pumun---"
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
Roman d'amourUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...