CHAPTER 27: FORGETTING

104 57 9
                                    

Muli akong nagbanggit ng ring toss at sa sandaling ito ay dalawang ring toss na ang binanggit ko.

"Mag shoot ka!" Bulong ko at napapikit pa.

Pagmulat ko ay nakita kong tila nag slow motion pa ang ring toss na binanggit ko.

Mag shoot ka please!

Gagawin ko ang lahat, mag shoot ka lang!

Tila pinaglalaruan ako ng ring toss dahil umikot pa ito ng ilang beses bago nagshoot ang isa!

YESSSSS!

Halos mapasigaw at mapatalon ako sa tuwa.

"Yes! Nag shoot, nag shoot." Sumasayaw-sayaw pa ako sa sobrang saya ko.

"Nice one." Masayang saad ni Kyler.

"Sabi ko naman kasi sa'yo eh, makukuha rin kita! Kaya ngayon, akin ka na!" Masayang saad ko at inagaw sa kanya ang panda bear na hawak niya.

Hindi naman siya tumutol at kumuha na lang siya ng ibang staff toys.

"Masyado ka nang masaya." Napatigil ako sa pagkurot-kurot sa panda bear dahil sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ko.

Nginitian niya lang ako at pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa ayaw mong puntahan." Narinig ko naman siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin iyon.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya at muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong panda bear.

Ang aking puso ay puno ng takot sa bawat kakaibang kilos na ipinapakita niya, ngunit sa tuwing hawak niya ang aking kamay, nararamdaman ko ang isang kakaibang kapanatagan. Ang kanyang presensya ay tila nagbibigay ng kakaibang sigla at katiyakan sa aking puso.

Kahit na may mga sandaling bumabagabag sa akin at nangangamba, ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga ay tila naglalayo sa anumang takot na aking nararamdaman. Pakiramdam ko, kahit may mga pangamba at panganib sa paligid, ang kanyang pagmamahal ay sapat upang maramdaman ko ang katiyakan at kapayapaan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may tanong sa aking isipan — nababaliw na ba ako? Ang aking damdamin ay tila naglalaro sa pagitan ng takot at kasiyahan, ngunit sa bawat sandali, ang pagmamahal at katiyakan ang nagwawagi.

Makalipas ang ilang oras ng aming pagtakbo ay nakarating na din kami at mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang ferris wheel.

Sh*t! 'Yung kaba ko ay halos pwede ko ng ikamatay.

"No! Kyler. Hindi ako sasakay d'yan." Saad ko sa kanya kahit wala pa siyang sinasabi.

"Bakit? Kasama mo naman ako?"

"Kahit na! Hindi ako sasakay d'yan kahit sino pang kasama ko... Kahit pa ikaw, si mommy, si daddy at kahit presidente pa ang kasama ko ay hinding-hindi ako sasakay d'yan!" Galit na sagot ko.

"Ok, ok. But you should face your fears Iya."

"Paano kung ikamatay ko pa 'yan? Sinong malalagot?" Sa mga sandaling ito ay naging seryoso na ang lahat.

Mabilis akong mahilo at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Paano kung bigla na lang akong mahimatay o mawalan ng malay?

"I'm sorry Iya, gusto lang naman kitang tulungan." Paumanhin niya.

"No need. Kapag may isang bagay akong gusto kong gawin, gagawin ko!"

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now