Sa unang pagmulat ng aking mga mata, ang tanging naging visible sa aking paningin ay ang nagliliwanag na ilaw na nasa itaas ko. Hindi ko agad naunawaan kung saan ako, dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa ilaw na iyon.
Nagpasya akong ipikit muna ang aking mga mata, nagpakurap-kurap ako upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag. Pagkatapos ng ilang sandali, muling sinubukan kong buksan ang aking mga mata at dahan-dahang sinuri ang aking paligid.
Ang aking paningin ay unang tumutok sa kulay puti na mga pader na nakapaligid sa buong kwarto kung nasaan ako ngayon. Napapalibutan ako ng isang malinis at minimalistikong disenyo. Sa aking tabi, may nakita akong maliit na drawer na tila ba naghihintay na gamitin.
Isa iyong fabric storage tower na may 4 drawers na color charcoal black.
Habang patuloy kong tinitingnan ang paligid, hindi ko maiwasang mag-isip na maganda ang lugar na ito.
Napakalinis ng kapaligiran, halos wala akong makitang alikabok o anumang kalat.
Ang mga bagay ay maayos na nakaayon at ang bawat detalye ay tila ba pinag-isipang mabuti. Ang lugar na ito ay tila ba nagpapahiwatig ng katahimikan at kapayapaan.
Nakita ko sina Jamaica at Stephanie na tulog sa may tabi ng hinihigaan ko.
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita mula sa aking bibig.
Nasaan ba ako?
Bakit kailangan nilang matulog dito?
Hindi na talaga sila nahiya.
"Iya!" Dinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki ngunit hindi ko siya makita.
Tila nanlalabo ang aking paningin at napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagkirot nito.
"Ok ka lang?" Tanong nito at nilapitan ako. Aabutan na sana niya ako ng tubig nang bigla akong magtanong.
"Sino ka?"
Tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
Matangkad siyang lalaki ngunit hindi ko makita ang buong mukha niya.
Pamilyar sa akin ang boses niya at alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero nababahala lang ako kung bakit siya ang narito at hindi ang taong inaasahan ko.
Bakit sa ganitong pagkakataon ay iba ang kasama ko at hindi siya?
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ngunit nagulat ako nang tumawa lang siya sa sinabi ko.
Gusto ko mang tanungin ito kung bakit siya tumatawa or pinagtatawanan niya ba ako ngunit biglang dumating sina mom at dad, may kasama rin itong lalaki na nakasuot ng mahabang white shirt yata iyon.
Nilapitan ako nang lalaki at may chineck sa katawan ko.
"Doc, how is she? Kamusta na ang anak ko?" Tanong ni dad sa doctor.
Doctor?
Nasa hospital ako?
Bakit naman?
Anong nangyari sa akin?
"She's fine now, Mr. Werret. Nagtamo lang siya ng minor injury. Hinimatay lang siya dahil sa insidenteng nangyari kanina. Ngunit mas mabuti kung magpapahinga muna siya at palaging bantayan, baka maulit ang nangyari noon sa inyong anak sir."
"May posibilidad ba na maulit ang nangyari noon?" Pagtatanong ni dad.
"It's have an 80% na maulit ang nangyari noon sa inyong anak sir lalo na't hindi pa siya nakakarecover ng maayos. Mas mabuti po talagang palaging bantayan ang inyong anak upang maging maayos ang kalagayan niya."
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomanceUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...