CHAPTER 7: LETTER CARD

254 196 8
                                    

Habang abala ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan, hindi ko maiwasang magmasid sa kanya mula sa aking kinatatayuan. Tila ba siya'y nasa ibang mundo, nakatulala at malalim ang iniisip. Sa kanyang mga mata, makikita mo ang pag-aalala at ang bigat ng kanyang damdamin.

Napapansin kong masyado niyang iniisip 'yung isang lalaki na, sa mga panahong kailangan niya ng tulong, ay hindi man lang siya nagawang damayan. Sa kabila ng kanyang pagiging malayo at walang malay sa mga nangyayari, hindi pa rin niya ito maiwasang isipin. Nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata, ang panghihinayang, at ang pangamba.

Napapansin ko rin ang kanyang pagkabahala, ang kanyang pag-aalala, at ang kanyang pagkabigo. Sa kabila ng kanyang mga ngiti at tawa, alam kong mayroon siyang mga bagay na hindi niya kayang kalimutan. Sa bawat sandali na nakikita ko siyang malungkot ay hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.

Tss.

"Nagcutting classes pala ako." Walang ganang sabi ko.

"Ha? Bakit?" Mabilis na tanong niya.

"Inaantok kasi ako kaya tutulog muna ako dito." Saad ko at nahiga sa tabi niya.

Itinulak niya naman ako kaya't nahulog ako sa sahig.

"Umayos ka nga!" Iritang sabi niya.

"Mas nagulo nga ang buhay ko ng nakilala kita eh." Saad ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Hoy! Radish, hindi ko na 'yun kasalanan. Kung hindi ka lumipat kanina sa aming room, e di sana hindi tayo magkakakilala. Baka hanggang ngayon, strangers pa rin tayo." Sabi niya sa akin, sa mga salitang iyon ay napaisip ako.

Tama nga naman siya. Kung hindi ko naisipang lumipat ng room kanina, malamang hindi kami magkakilala ngayon dahil hindi naman ako madalas makipag-usap sa mga babae. Minsan lang, hehe. Marahil, magkaiba pa rin ang landas na tinatahak namin. Pero dahil sa isang desisyon, nagbago ang lahat.

Totoo nga ang kasabihang 'everything happens for a reason.' Lahat ng pangyayari sa ating buhay, may dahilan. Maaaring hindi natin ito agad na nauunawaan, pero sa tamang panahon, malalaman natin ang mga sagot.

At sa kasong ito, nagpapasalamat ako sa rason na iyon. Dahil sa rason na iyon, nakilala ko siya. Dahil sa rason na iyon, nagbago ang aking buhay. Good, good reason talaga, BWAHAHAHA.

Lumipat talaga ako kanina dahil nalaman ko na parehas lang pala kami ng school at parehas din ng course at major na kinukuha kaya't lumipat ako para naman mas maganda ang gagawin kong pagganti sa kanya. Madali lang akong makakagawa ng paraan para mapahiya rin siya.

Baka iniisip niya na nakalimutan ko na ang nangyari sa mall. Hindi, hindi ko 'yon nakakalimutan. Ang pangyayaring iyon ay naka-ukit sa aking isipan at hindi basta-basta mawawala. Napahiya ako kahapon, hindi lang basta-basta na hiya, kundi isang uri ng kahihiyan na sobra-sobra, isang uri ng kahihiyan na hindi ko maipaliwanag.

Ang bawat detalye ng pangyayaring iyon ay buhay na buhay sa aking isipan. Ang mga tao, ang kanilang mga mukha, ang kanilang mga reaksyon, lahat ng ito ay naka-ukit sa aking isipan. Ang bawat tawa, ang bawat titig, ang bawat bulong, lahat ng ito ay nagdudulot ng sakit sa aking damdamin.

Kaya't gagawin ko ang lahat para gumanti sa kanya.

Madali ko lang nagawa ang first revenge ko kaninang umaga, easy money pa nga e... Tapos nagkaroon pa ako ng bagong cellphone... Hayyy... Everything happens for a reason talaga. Sobrang galing talaga ng timing!

"Sorry din pala kanina." Sabi niya habang nakatingin sa taas.

Tila nanalangin na mapatawad ko siya. Hehe

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now