KYLER POV'S
"Sir Ky, ang aga niyo po yata ngayon." Saad sa akin ni Virang.
Alas kwatro pa lang kasi ay gising na ako at abala ako sa pagluluto ng almusal.
"Napaaga ba?"
"Umm hindi naman po, halos isang linggo na nga po kayong nagigising ng maaga pero hindi pa rin po ako sanay." Saad niya habang nagtitimpla ng kape.
Ngumiti na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ko na ang pagluluto.
Tama ang sinabi niya, halos isang linggo na nga akong nagigising ng maaga dahil mag-iisang linggo na rin simula noong umamin ako kay Iya.
Ganito pala ang pakiramdam?
Araw-araw akong nagluluto ng almusal para ibigay kay Iya. Nagbibigay rin ako ng chocolate at flowers bilang simbolo ng aking panliligaw sa kanya. Natutuwa naman siya at nagpapasalamat sa akin pero mas nadadaig yata ako ni Aaron dahil kakaiba ang istilo niya ng panliligaw...
Sinasayawan niya si Iya sa loob ng classroom namin!
Nakakatuwa ba 'yun?
Dapat nga ay mainis pa siya dahil mali ang paraan niya. Courting a girl is showing the love not a talent, tss.
Tinapos ko na lang ang pagluluto ko at inilagay na ito sa isang malaking lunch box. Nag-request kasi si Jamaica na sa susunod na magdala raw ako ay damihan ko na upang makakain rin sila.
"Gutom na gutom ka yata."
"Haha hindi naman, dinamihan ko talaga ang luto dahil para ito kayna Iya at sa kaibigan niya."
"Ah, ganun po ba. Good luck po." Saad niya at nginitian ko na lang siya.
Hindi ko na kailangang i-good luck pa ang sarili ko dahil malakas ako kay Iya. Siguradong hindi rin magtatagal ay sasagutin niya ako.
"Aalis na ako ah. Tumawag ka na lang kapag may kailangan ka." Saad ko sa kanya habang papunta sa kotse.
"Opo sir Ky, ingat kayo ah."
Sumakay na ako sa kotse at balak ko na sana itong paandarin nang biglang may tumawag sa akin.
"Hello, whose this?" Pagtatanong ko pagkatapos sagutin ang tawag.
"Hindi mo na ako dapat kilalanin pa."
"Ano, sira ulo ka ba?... Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka tumawag!?"
"Ikaw ang may kailangan sa akin"
"G*go! Kung gusto mo lang ng makakausap, huwag ako ang tawagan mo," inis na saad ko. Papatayin ko na sana ang tawag ng muli siyang magsalita tungkol sa hindi ko inaasahang tao. "May kailangan kang malaman tungkol sa daddy mo."
"Sa d-daddy ko? Anong ibig mong sabihin?" Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Ite-text ko sa'yo ang address. Magkita tayo." Saad niya at pinatay na ang tawag at maya-maya nga lang ay naka-receive na agad ako ng text message mula sa kanya.
Agad akong nagpunta sa sinabi niyang lugar. Hindi ko na inisip pa kung tama ba o mali ang gagawin ko dahil may gusto akong malaman tungkol sa daddy ko. Pagkarating sa lugar ay napansin kong tahimik lang at walang masyadong tao kaya agad kong napansin ang isang lalaki, iyon siguro ang kausap ko kanina. Nang nilapitan ko na ito ay nagulat ako ng makita kong tatay ni Virang iyon.
"Kayo ba ang kausap ko kanina?" Nagtatakang tanong ko.
"May gusto kang malaman tungkol sa daddy mo di'ba?" Tumango agad ako.
"Bigyan mo lang ako ng limampung libo, sasabihin ko lahat sa'yo ang nalalaman ko."
"Ano? 50k? Napakataas naman."
"Kapalit 'yun sa lahat ng ginawa ko. Kahit hindi na ako nagtatrabaho sa inyo ay ginawa ko pa rin ang pinatatrabaho niyo sa akin. Marami akong natuklasan kaya't hindi sasapat ang konti lang na bayad."
"Okay sige! Sabihin mo na lahat ng nalalaman mo, matatanggap mo bukas na bukas ang bayad."
"Anong bukas? Hindi pwede iyon!"
"Ngayon ko ibibigay?" Nagtaka ako sa sinabi niya.
Kung anong bait ni Virang ay siya namang kabaligtaran ng kanyang ama.
Bakit siya ganito?
Bakit ganito ang kailangang mangyari?
Bakit kailangang bayaran ang buong katotohanan?
"Nakakaawa ka!"
"A-anong sabi mo?"
"Wala ka na ngang pera, minamaliit ka pa ng taong mahal mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Niloko ng ama ni Alliah ang daddy mo." Saad niya na ikinagulat ko.
"Ha? Ano 'yun?"
"Na-scam ang daddy mo ng ama ni Alliah. Nag-invest siya nang nag-invest ng malaking pera sa company ng family nina Alliah hanggang sa malugi siya at maubos ang pera niya ng walang napapabalik mula sa invest niya." Nagulat ako sa sinabi niya.
Bumalik sa isip ko ang mga oras na down na down si daddy bago siya namatay. Mas marami pa siyang oras sa pagbibisyo kaysa sa pagkain ng masusustansiyang pagkain. Akala ko noong bata pa lang ako, okay lang ang ganun. Naisip kong baka hobby niya lang iyon pero nagkamali ako. Halos ilang buwan din siyang nakulong sa ganoong sitwasyon bago siya nawala. Nakaramdam ako ng galit ng maalala ko ang mga oras na iyon. Dahil sa pangyayaring iyon ay nawala si daddy at lumayas sa bahay namin si mommy na siyang dahilan ng paghahanap niya ng ibang lalaki.
Kung hindi iyon nangyari baka masaya pa kami, kompleto, sabay-sabay kumain, magkukwentuhan tungkol sa napakaraming bagay, at pupunta sa mga lugar na aming pupuntahan. Nakakamiss ang mga ganoong pangyayari pero sinong mag-aakala na sa isang iglap biglang magiging alaala na lang ang lahat.
Ang sakit!
Sobra!
'Yung kirot sa puso ko mas lalong sumasakit kapag naaalala ko 'yung mga pangyayaring iyon.
Napaluhod ako at sa hindi ko inaasahan ay kusang nagsipatakan ang mga luha ko. Gusto kong sigawan at murahin ang taong kausap ko kanina at sabihing mali ang sinabi niya pero wala akong lakas ng loob. Ang tanging nasa isip ko lang ay ilabas lahat ng sama ng loob ko at ang pagkamiss sa dalawang taong napakaimportante sa akin.
"Dalhin mo sa bahay ang pera." Saad ni Mr. Hollis at saka umalis.
Mabilis akong nagtatakbo pabalik sa kotse at doon ibinuhos ang mga luha ko.
"Bakit??? Bakit nangyayari ito?!" Inis na tanong ko at pinagsusuntok ang manubela.
Nakakainis at nakakalungkot isipin na sa mga nakalipas na maraming araw ay may ganoon palang nangyari sa aming pamilya at kung sino pa 'yung taong malapit sa puso ko ay siya pa 'yung makakasakit sa akin!
Anong gagawin ko ngayon?
Kailangan ko bang iwasan si Iya?
Lalayuan ko ba siya dahil sa nangyari kay daddy?
Nag-uumpisa pa lang ako sa panliligaw sa kanya di'ba?
Tatapusin ko na ba ito agad?
Ano nang gagawin koooo???
YOU ARE READING
LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)
RomansaUNVEILED SERIES #1- LOVE, LIES, PAYBACK #2- LOVE IN THE LINE OF FIRE #3- IN THE GRIP OF LIES (SOON) We got no.1 rank 🥇on our hashtag #veracity. Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa (◠‿◕) In an unexpected turn of events, the quiet and simple life of...