CHAPTER 33: BRACE

97 54 3
                                    

"Ready na po 'yung sasakyan na nakareserved para sa inyo. Ito na po ang lahat ng kailangang mga papeles. Mas mabuti po sana kung umalis na agad tayo dito upang wala nang mangyaring gulo... Pasensya na po." Sabi ni Iya at yumuko upang humingi ng tawad.

Agad din naman niyang ibinigay ang mga papel at ang susi ng kotse sa kuya ko.

"Wala na po kayong kailangang bayaran para d'yan. Ako na po mismo ang---" napatigil si Iya  sa pagsasalita.

"T-totoo ba ito?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni kuya at kahit ako ay gulat na gulat pa rin sa mga nangyayari!

"Grabe, napakayaman mo pala ineng." Komento ng tatay kay Iya.

"Sige na po. Tanggapin niyo na po ito." Saad ni Iya dahil hindi kayang tanggapin ni kuya ang ginawang ito ni Iya.

Makalipas ang ilang minuto ay kinuha na ni kuya Kalix ang susi at ang mga papel kay Iya kahit nahihiya ito.

Kung ako man ang nasa katayuan ni kuya Kalix ay mahihiya rin akong tanggapin ang ibinibigay niya dahil hindi naman namin ito deserve. Wala kaming mabuting ginawa kay Iya para tratuhin niya kami ng ganito. Nagdala pa nga kami ng gulo sa lugar na ito.

"Gusto mo bang sumama?" Pag-aayaya sa akin ni Iya na sumakay sa bagong kotse niya.

"Sure ka?" Paninigurado ko

"Oo naman!" Ngumiti pa siya nang todo.

"Okay sige, magpapaalam lang ako kayna tatay at kuya." Sabi ko.

"Sige, hintayin kita dito." Sabi niya bago sumakay sa kotse niya.

Agad na akong pumunta kung nasaan sina tatay.

Kasalukuyan parin silang nasa tabi ng aming kotse at naghuhuntahan.

(Naghuhuntahan- nagkukwentuhan).

"Tatay!" Excited na sabi ko.

"Oh, napaano ka gah? Tayo'y uuwi na." Sabi niya.

"E hindi muna ako uuwi tay."

"Aba, e anong gagawin mo dito? Mag-aasawa ka na gah?" Pabirong tanong niya.

Mag-aasawa naman e!

"Ang tatay naman ah! Paano gah ako mag-aasawa e wala naman hong boyfriend?" Sagot ko sa kaniya na para bang sinisisi ko siya na wala akong boyfriend.

"E anong gagawin mo dito? May sasakyan ka 'gah pauwi?" Tanong niya.

"Meron ho... Parang ayaw pa akong payagan ng tatay gumaIa e, hindi naman ho ako laIagpas ng Pilipinas e," reklamo ko. "Kay Iya na ho ako makikisabay, maglalakbay muna ho kami." Dagdag ko pa.

"Ayy siya sige, uo, magaling pa nga. Sabihin mo e salamat ng marami. Kabait sadya ng batang iyon." Sabi niya at pinuri pa si Iya.

"Sige po tay, makakarating po sa kanya." Nakangiting saad ko at nagpaalam na.

Nagpaalam na rin ako kayna kuya na abala na ngayon sa pagpapractice magdrive.

Agad na akong pumunta kay Iya na ngayon ay nakasakay na sa kanyang bagong kotse.

"Bessy, sakay na!" Pasigaw na saad sa akin ni Iya, excited na rin itong i-drive ang kotse niya.

LOVE, LIES, PAYBACK (Unveiled Series #1)Where stories live. Discover now