"Okay, put in your bids." The blinder said.
All the players put in their bids and bets. Isa itong seryosong laro. Hindi basta-basta lang ang mga pinupusta ng mga taong naglalaro rito. Masyado nilang sineseryoso ang laro nilang poker. Malaki kasi ang mawawala pag sila'y natalo. After the dealer passed out the cards equally, all the players pick up all their cards. Mararamdaman mo talaga yung tension sa loob ng kwarto.
"Fold." Sabi ng halos lahat ng players.
Napamura yung ibang players sa bilis ng kanilang pagkatalo. At sa dami ng mawawala sa kanila. Puro isang milyon ang pinusta nila sa larong ito. Ang natitira na lamang ay dalawang players.
"Check-raise to 1.2 million pesos." Sabi ng isa sa mga pinakamagaling player ng poker na si Kier Magpantay. "Sa tingin ko, patas lamang kung itataas mo rin ang iyong pusta. Ano sa tingin mo, Mr. Guzman?"
Nagsmirk ito sa kanyang kalaban. Mukhang hindi nagustuhan ni Mr. Guzman ang pagtaas ng pusta. Tiningnan niya ang kanyang wallet at ubos na yung pera niyang pangpustahan lamang. Alam nito pag umalis siya, hahanapin siya ng mga tauhan nito.
"Wala na akong maipupustang pera pero..." Tumigil ito na parang nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba ang kanyang sasabihin. "I'll bet on my oldest daughter's freedom."
Nagtaas ng kilay si Kier sa pusta ni Mr. Guzaman. "So ang ibig mong sabihin, pag nanalo ako, pagmamay-ari ko ang kalayaan ng iyong anak? Kumbaga alipin ko na siya."
"Tama ka." Mr. Guzman sighed. "Pero sa loob ng tatlong buwan lamang."
"Fine. It's alright with me." Tumawa si Kier. Binaba niya ang kanyang mga baraha. "Good luck sa inyo mga mother fuckers. And Mr. Guzman, send your daughter to me after three days. Thank you for the splendid gift. I'll enjoy it. By the way, if you try to trick me your body will be on my blacklist."
Tumawa ito na parang villain bago siya umalis at dala ang mga pinalunan niya. Habang si Mr. Guzman napaluhod sa sahig. Hindi niya alam kung paano niya masasabi sa anak niya na siya ay magiging alipin sa isang walang hiyang lalake.
BINABASA MO ANG
You're My Property
Storie d'amorePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...