Chapter Nine

5.5K 149 2
                                    

Ginising ako ni Kamahalan na napakaagap. Mas maagap pa kaysa sa kasanayan ko. Ginising niya ako ng alas dos ng madaling araw dahil nakalimutan niya yung susi niya sa bahay. Dapat pala sinesilent ko cellphone ko bago ako matulog. Sarap sana ng tulog ko ngayon. Pero di niya ako muli pinatulog. Pinaluto na niya ako ng agahan namin at pinalinis ng bahay. Ayoko sana kaso utos ni Kamahalan. Kaya naglinis na ako nang bahay kahit nakapikit pa ako.

Pagkatapos kong maglinis, pinahinga niya ako ng sandali at pinaligo. May pupuntahan daw kasi kami. Sa tingin ko sarado pa ang mga tindahan pag alas-kuwarto ng umaga. Pero malay ko rin kung saan kami pupunta. Since malamig pa ang simoy, nagsuot ako ng dilaw na sando at pink na jacket. At walang iba kung hindi nakashort. Pagbaba ko sa living room, natanaw ko agad si Kier. Nakajersey na itim at nakasando na puti. Napahanga ako sa katawan niya. Ngayon ko lang talaga napansin na maskulado siya.

"Ready ka na ba?" Bored niyang sabi.

"Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko habang tinatali ko yung buhok ko.

"Sa gym. I need a workout and I think you need one as well." Tumingin siya sa bandang tiyan ko. Agad-agad tinakpan ko yung tiyan ko gamit ang mga kamay ko.

"Hindi ko kailangan ng work out dahil wala akong bilbil!" Pagdefend ko sa sarili.

"Basta tara na. Naiinip na ako dito." Umuna na siya maglakad.

Wala akong magawa kundi sumunod nalang sa kanya. Sumakay na siya sa loob ng Ford Shelby GT500 Convertible. Napakagentleman talaga ni Kamahalan. Hinintay niya talaga ako at pinagbuksan niya ako ng pinto. But I'm being sarcastic. Pumasok ako sa loob ng kotse niya at sinamaan ko siya ng tingin. Why couldn't he be a gentleman like other guys? Tss. Ewan ko ba kung bakit napakarami niyang kotse. Sapat naman yung isa o dalawang kotse lang. Pero pito? Sinasayang lang niya yung pera niya.

Nakarating kami sa isang gym na di kalayuan. Pagpasok pa lang namin sa loob, humiwalay agad siya sakin. Psh. Atat lang magexercise o ayaw lang niya may makakita sa kanya na may kasama siyang babae. Nalaman ko na si Sir Kier ay isang Casanova NOON pero kahit kailan di niya pinapasakay ang mga hinaharot niya sa mga kotse niya. Mas mahalaga daw kasi ang mga kotse niya kaysa sa mga buhay ng mga hinaharot niya. Pero ngayon hindi na. Mas gusto niya daw yung buhay na tahimik at walang babae nangungulit.

"Hello Ma'am, first time niyo ba rito?" Nagdadalawang isip pa ako kung isasagot ko yung tanong nung lalake o hindi. Baka kasi manyakin lang ako nito. "Ma'am, wag po kayo mag-alala. Nagtra-trabaho po ako dito. Isa ako sa mga fitness instructor."

"Dapat nagpakilala ka muna sakin bago ka nagtanong. Kinabahan tuloy ako dahil sayo."

He chuckled. "Sorry po, Ma'am. Ano ho, self exercise lang po kayo o gusto mo ng fitness constructor?"

"Hmm." Nag-isip ako. "Mas masaya pag may kasama ako. Sige tara na aking fitness instructor."

"This way, Ma'am." Sumunod ako sa kanya. "Ano nga pala pangalan mo?"

"K-Lee. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Harold." Tipid niyang sagot.

Ang una naming ginawa ay leg press. Since beginner daw ako dalawang set ng sampung reps. Sixty seconds lang ang pahinga. Hindi pa ako nangangalahati, napapagod na ako. Hindi dire-diretso ang page-exercise ko. Ano pa ineexpect mo sakin? Beginner lang ako eh. Pagkatapos ng dalawang set, dumapa ako sa sahig. Ang sakit ng binti ko. Parang may pumipisil nang malakas sa binti ko. Humiga sa tabi ko si Harold. Pero ako nakadapa at siya nakatihaya.

"Pagod ka na? Hindi pa tayo tapos. May walong exercise pa tayong gagawin." He smiled.

"Oh just kill me." I said tiredly. He chuckled.

"Sayang ang ganda mo kung papatayin lang kita." Napatingin ako sa kanya at nakatingin na siya sakin. "Ang ganda mo talaga."

We remained silent while looking at each other. Di kasi ako makapaniwala sa sinabi niya. First time kasi may nagsabi sakin na maganda ako na di ko kamag-anak. Maganda ba talaga ako? Si Sir Kier kaya? Nagagandahan rin kaya siya sakin?

"Hey stand up." Napatingin ako sa nagsalita.

Karakaraka tumayo ako. Ano ba nangyari sa kanya? Mukhang nakaaway siya dito. Dahil magkasalubong ang mga kilay niya. Iimik pa sana ako kaso hinigit ako ni Kier palayo. Lumingon ako kay Harold at kumaway ako sa kanya. Nginitian niya nalang ako sabay tumalikod. Dinala ako ni Kier sa mga treadmills. Nagsimula siyang magtreadmill na hindi man lang ako tiningnan o inimikan. Kung hindi lang ako sanay sa kanya, iisipin ko na may problema siya. Nagtreadmill rin ako kahit masakit pa ang mga binti ko.

"Pustahan tayo." Offer ko. Tumingin siya sakin senyales na interesado siya. "Patagalan tayo. Ang matalo ay ang magluluto ng tanghalian mamaya."

"Sige. At ang manalo, susubuan siya ng matalo." He smirked. "Get ready to feed me Mama Bakulaw."

"Whatever Demonyong Halimaw." Inirapan ko siya.

At ang result, natalo ako. Madaya kasi. Masakit ang binti ko tapos nagtreadmill pa ako. Kung hindi lang masakit ang binti ko baka nanalo pa ako. Pero no choice, a bet is a bet. Nagluto ako ng tanghalian at sinubuan ko pa siya. Psh. Tuwang tuwa pa siya. Nakakaaduwa siya. Baby damulag talaga.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon