Chapter Twenty Seven

2.7K 74 2
                                    

Ang ganda talaga ng workshop na pinuntahan namin. Ang dami kong natutunan na paraan para maunlad ang sariling negosyo. Ngayon pauwi na kami. Nakisakay ako kina Caleb at Justine. Excited na ako makita si Kier. Namiss ko talaga siya. Hindi ako nakuntento sa tawag lamang. Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahalikan. Pero gusto ko rin siya masupresa. Kasi ang paalam ko sa kanya, nawawala ako ng tatlong araw. Kaso mabilis kami natapos kaya dalawang araw lamang.

"Hanggang dyan nalang sa kanto, Caleb."

"Ha? Bakit ayaw mo sa bahay mismo?" Nagtatakang tanong ni Caleb.

"Isu-surpresa ko kasi si Kier. Hindi niya alam na ngayon ang uwi ko." Tumigil si Caleb sa kanto at binuksan ko na yung pinto ko. "Salamat sa inyo. Ingatan mo si Justine ha. Bye bye."

Bumaba na ako at naglakad patungo sa kaharian ni Kier. Nakita ako ni Manong Guard at sabi ko sa kanya dahan-dahan niya buksan yung gate para iwas ingay. Baka marinig ni Kier ang pagbukas ng gate. Dumaan ako sa backyard at doon rin ako pumasok. Ngiting ngiti ako habang paakyat ako nang hagdan. Naiimagine ko na ang surprise face ni Kier. Pagkarating ko sa harap ng kwarto ni Kier, mabilis ko binuksan yung pinto. Sisigaw sana ako ng surprise nang makita ko si Zamantha sa kama ni Kier at mukhang nakadress lang siya dahil kitang kita ang boobs niya. Parehas kami nagulat sa presence ng isa't-isa.

"Z-Zamantha?" Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Bumukas yung pinto sa banyo ni Kier. Nagulat siya nung nakita niya ako pero parang mas nagulat siya nung nakita niya si Zamantha. Lumapit sakin si Kier.

"It's not what it looks like babe." Napatingin ako sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko. Tumakbo ako palabas at dumiretso sa kwarto ko. Kumuha ako ng bag at nagsimulang magimpake. Dumating si Kier at pinigilan niya ako. "Pakinggan mo muna ang paliwanag ko."

Dahil sa galit ko, sinampal ko siya ng malakas sa pisngi. "Bakit pa?! Nakita ko na kung anong nangyayari. Hindi mo na kailangan ipamukha pa sakin."

Sinuot ko na yung bag ko at nagmadali ako tumakas sa bahay na 'to. Bago ko mabuksan yung pinto, hinawakan ako ni Kier sa balikat at pinaharap niya ako sa kanya. Tuwing nakikita ko ang mukha niya, nakikita ko yung scenario kanina. Kier and Zamantha.

"K-Lee, pakinggan mo yung paliwanag ko. Its not what it looks like. Hindi ko naman.." Hindi ko na kaya pakinggan pa ang sasabihin niya.

"Tama na, Kier! Alam ko naman mas maganda siya at mas sexy pa sakin. Pero sana hiniwalayan mo muna ako bago ka makipaglokohan sa iba!" Gusto na bumagsak ang mga luha ko, but I won't give him the privilege to see me cry. "Hindi ako makapaniwala na kaya mo kong lokohin. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo nagbago ka dahil sakin. Pero tanga ako dahil naniwala ako sa mga sinabi mo. What do I expect from you? A player will always a player. Sana masaya ka ngayon dahil niloko mo ko at nakuha mo na yung gusto mo. Kaya kung maaari, wag na wag kang magpapakita muli sakin."

Pinihit ko yung doorknob at binuksan ko yung pinto. Hinawakan ako muli ni Kier. Sinampal ko siya muli at binitiwan niya ako.

"Good bye Mr. Magpantay." With that, umalis na ako. Nag-alala sakin si Manong Guard pero dinedma ko lang siya. Wala ako sa mood makipagusap sa iba. Balak ko sana isurpresa si Kier pero mukhang ako yung nasurpresa niya.

Buong maghapon ako naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. I just want to get away from everything. Naguguluhan ako, nasasaktan at nagagalit. I feel so betrayed. Akala ko nagbago na siya. I even planned a future with him. Why am I so stupid to trust him? I knew Zamantha was up to no good. But I never expected that she would hurt me. I treated her like a sister and this is how she repays me. I think I need a drink. Pumunta ako sa pinakamalapit na bar. Pumwesto ako sa counter, sa harap ng bartender.

"Gin please." Binigyan agad ako nung bartender. After that, sunud-sunod ang paglaklak ko ng shot glass. Hindi ko alam kung nakailan na ako pero alam ko lampas pito. Umiikot na yung paningin ko. Inilabas ko yung cellphone ko at may dinial akong number.

"Hello K-Lee, bakit ka napatawag? Alam mo ba kung anong oras ngayon? Ala-una na ng madaling araw."

"Sunduin mo ko please. Nandito ako sa Drink and Chug Bar."

"Wag kang aalis dyan. Papunta na ako." Dumilim na ang paligid ko at nakatulog ako na wala sa oras.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon