Chapter Thirty Six

2.5K 72 1
                                    

It has already been a week and miss na miss ko na si Kier. Hindi ako makatakas sa bahay o kahit sa school. Lagi ako nakakulong sa loob ng kwarto ko o kaya nakadikit sakin yung guard. Kay Justine ko lang nilalabas ang mga sama ng loob ko. Siguro nagsasawa na siya icomfort ako dahil puro iyak lang ako sa kanya. Wala naman akong magagawa dahil unti-unting namamatay ako sa loob.

"Mga anak, halika muna kayo." Tawag ni Mr. Guzman samin. Pero hindi ako pumunta. Hindi ko na siya tinuturing na ama. I'm just a prisoner inside his house. Biglang bumukas yung pinto ko at pumasok sina Mr. Guzman sa loob. "Kung ayaw mo pumunta sakin, ako na ang pupunta sa iyo." Umupo silang apat sa kama ko. "Mga anak, may good news ako sa inyo. Pupunta tayo sa Amusement Park mamaya pagkauwi ko galing trabaho. Kaya mamayang ala-una, magbihis na kayo ha. Para pagdating ko, diretso na tayo doon."

Nagcheer yung mga kapatid ko. Balewala naman yung balita sakin. Pero teka, malawak ang amusement park. Baka pwede ko papuntahin si Kier doon para magkita kami. "Kasama ba yung guard ko?"

"Oo naman. Baka kasi tumakas ka."

"Edi hindi na ako sasama. Hindi masaya kung laging may buntot. Dito na ako sa bahay."

He sighed. "Sige na nga. Hindi ko na isasama yung guard. Pero alam mo na yung deal natin. Pag umalis ka, magpapaalam kami."

"Opo tay. Salamat." I said sarcastically. Kaso lang wala sakin yung cellphone ko. Saan kaya tinatago ni Mr. Guzman ang cellphone ko? Hahanapin ko pala mamaya pagkaalis niya.

Pagkaalis ng kotse ni Mr. Guzman, lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso sa kwarto niya. Yung guard ko ay nagbabantay sa labas ng bahay. Kaya walang makakapigil sakin. Hinalungkat ko yung mga cabinets niya kaso wala. Hinanap ko sa bawat sulok ng kwarto niya kaso wala parin. Dala niya kaya?

"Ate, ano hinahanap mo?" Nagitla ako sa biglang pagsulpot ni Kyle sa likuran ko.

"Yung cellphone ko. Nakita mo ba kung saan tinago ni Tatay?"

Umiling siya. "Tinago niya sa kwarto ko. Halika, ituturo ko sayo." Sumunod ako sa kanya sa kwarto niya. Tinuro niya yung shoebox na nakalagay sa taas ng cabinet niya. "Ayon oh! Tinago niya dyan."

Nagmadali ako kuhanin iyon. Pagbukas ko ng kahon, naroon na nga yung cellphone ko. Sa sobrang tuwa, niyakap ko si Kyle. "Salamat Kyle." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Pero ipangako mo sakin na hindi mo sasabihin kay Tatay na kinuha ko yung cellphone ko. Okay?"

"Bakit ate?"

"Basta. Wag mong sasabihin sa kanya. Ibibili kita ng Toy Robot."

"Sige ate! Gusto ko yung kulay pula."

"Sige. Salamat ulit ha." Hinalikan ko siya sa ulo at bumalik sa kwarto ko. Binuhay ko yung cellphone ko at naghintay ng ilang segundo para makapagloading yung mga text at missed calls. Mayroon one hundred sixty eight missed calls from Kier, sixty two missed calls from Caleb, fifty missed calls from Justine, twenty each from Jasper, Vince, Chris, and Denver. Mayroon din sila mga text na lampas fifty. Pero yung kay Kier lang ang binasa ko. Yung huli niyang mga text ang talagang nakapaghina sa mga tuhod ko.

1:15 AM.
I fucking miss you. I thought the alcohol would get you off my mind but it just made my chest burn and I can't stop thinking about you oh god.

2:55 AM.
Jesus Christ why did you leave me? It feels like my ribs are cracking I can't breathe. Come back. Come back. Come back.

3:22 AM.
Baby I love you, I know I'm fucked up and I'm more trouble then I'm worth, but you made me so fucking happy. I'm sorry I couldn't make you feel the same.

4:42 AM.
Why don't you love me anymore. Just fuck tell me what I did wrong, I want you back.

6:01 AM.
Why do we always fall in love with the people who eat us alive? I'd let you do it all over again if it meant I got to kiss you again.

Kinikilig ako at nasasaktan sa mga text niya. Ang sweet pero halata yung lungkot. I really miss him too. Tinext ko siya.

8:32 AM.
Kier, meet me at the Amusement Park @ 1 o'clock. Let's meet in the House of Mirrors. I need to tell you something important.

Sana mabasa niya agad yung text ko. Kinakabahan ako. Baka biglang dumating si Mr. Guzman. Hinintay ko muna magreply si Kier bago ko ibalik yung cellphone ko. Bakit ang tagal niyang magreply? Hindi na ako mapakali. Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Ayon! Nagreply na si Kier.

9:10 AM
Thank God! I'll be waiting for you, K-Lee. Please, don't let me down.

Hindi na ako nagreply. Pinatay ko yung cellphone ko at binalik ko sa kahon sa loob ng kwarto ni Kyle. Ay salamat! Nawala na yung kaba ko. Now, I need to get ready. Excited na ako makita si Kier.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon