(Third Person's POV)
Mula kahapon, nakaramdam ng paghina si K-Lee. Kahit nahihilo na siya at pakiramdam niya ang gaan ng utak niya, hindi niya pinaalam kahit kanino. Ang iniisip kasi nito, mawawala lang pag nagpahinga siya. Pero kahit ilang beses siya natulog, hindi parin nawawala yung nararamdaman niyang kakaiba.
"K-Lee." Sabay binuksan ni Mr. Guzman yung pinto. "May dala akong pagkain para sayo."
"Hindi ako nagugutom." Wika ni K-Lee kahit kanina pang kumukulo yung tiyan nito.
"Kailan ka ba kakain? Nakalipas na ang dalawang linggo at hindi ka parin nakain. Magkakasakit ka talaga anak." Pinatong ni Mr. Guzman yung tray sa side table ni K-Lee at umupo sa tabi nito.
"Ayokong kumain. Gusto ko lang matulog." Tumayo ito at dahan-dahan naglakad patungo sa pinto niya. "Maaari ka nang lumabas." Binuksan ni K-Lee yung pinto.
Napabuntong hininga si Mr. Guzman. Tumayo na siya at kinuha yung tray. Hindi na siya nakipagtalo sa kanyang anak dahil alam nito na wala siyang mapapala. Pero hindi pa siya nakakalabas sa kwarto ay biglang nahimatay si K-Lee. Karakaraka niyang nilapitan ang kanyang anak.
"Guard! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" Binuhat niya ito na parang bagong kasal.
Dumating yung ambulansya at inihiga ni Mr. Guzman si K-Lee sa stretcher. Sumakay yung mga kapatid nito at ni Mr. Guzman sa kotse niya. At sumunod sa ambulansya. Nakaramdam ng takot yung magkapatid. Pati na rin si Mr. Guzman. Natataranta siya at hindi nakapagisip ng maayos. Pagdating nila sa hospital, nilipat nila si K-Lee sa isang wheeled bed. Nakasunod yung mag-ama. Naiiyak na yung mga bata sa pag-aalala sa kanilang ate. Nagwala si Mr. Guzman nung hindi sila pinayagan pumasok sa kwarto ni K-Lee. Pero pinatahan rin siya ng anak niyang lalake. Wala silang magawa kung hindi maghintay nalang sa waiting room.
Nakaramdam ng pagsisisi si Mr. Guzman. Sinisisihan niya ang kanyang sarili sa nangyari kay K-Lee. Kung pinagbigyan lang niya yung kagustuhan niya, baka hindi sila aabot sa ganitong sitwasyon. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili pag may nangyaring masama kay K-Lee. Napaluha nalang ito dahil sa halo-halo niyang nararamdaman. Niyakap siya ng mga anak niya. Sabay-sabay silang nagdadasal para kay K-Lee.
After an hour of waiting, lumabas na rin yung doctor at sinalubong ito ni Mr. Guzman. "Doc, ano po kundisyon ng anak ko?"
"I'm sorry to say, but she's in a coma." The doctor shook his head in disappointment.
"Bakit doc? Ano po nangyari sa kanya?" Wika ni Mr. Guzman.
"It's all because of starvation. Starvation can cause dehydration because the body lacks fluid it needs. It then uses water and fluids already stored in her body. You can tell because her skin lost rigidity and turgor and became extremely dry and stiff. Another one of the effects of starvation is electrolyte imbalance. Because there is loss of fluids and nutrients, there is no fuel available for her body to work properly. Electrolytes make the heart, nerve impulse and muscle impulse function properly. They also make oxygen flow steadily in the body. The flow is disrupted severely, that's why she's in a coma, Mr. Guzman. I'm sorry for the rush, but I have to go. You may now enter her room." Pinat nito yung likod ni Mr. Guzman bago siya umalis.
Pumasok yung mag-ama sa loob ng kwarto ni K-Lee. Parang nanghina yung mga tuhod ni Mr. Guzman sa nakikita niya. Ang kanyang anak na walang malay, may nakadikit na oxygen tube sa kanyang bibig at may nakatusok na glucose sa kanyang kamay. Walang ibang bukambibig ni Mr. Guzman kundi yung salitang 'sorry' lamang. Paulit-ulit niya ito binibigkas habang hinahaplos ang buhok ni K-Lee.
"Pagbibigyan kita anak. Maghintay ka lamang. I'll give you what you want. Just don't let go."
BINABASA MO ANG
You're My Property
عاطفيةPaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...