Chapter Thirteen

4.8K 133 1
                                    

Tinanghali ako nang gising dahil kay Caleb. Napuyat ako dahil sa kanya. Hindi kasi siya makatulog kaya sinamahan ko siya buong magdamag. Alas dos na kami nakatulog. Grabe! Patay talaga ako kay Kier. Pagpunta ko sa kusina, naroon na si Kier at mukhang masama ang umaga niya. Shit! Dahan-dahan naglakad ako papunta sa cooking stove.

"Well, good morning Ms. Guzman." Napatigil ako sa paglalakad. "Your early huh."

"Sorry po Kier." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Sorry po talaga. Hindi na po mauulit. Sorry na ha."

"O-oo. B-basta hinding hindi na 'to mauulit." Binitawan ko yung mga kamay niya at tiningnan ko siya with curiosity.

"Bakit ka nauutal?"

"Ha?" Nagulat siya pero agad niya rin binawi. "Anong pinagsasabi mo? Magluto ka na nga ng agahan natin!"

"Sige po kamahalan." I curtsy. "Oo nga pala, Good Morning Kier."

I smiled my sweetest smile. Nakita ko nagulat siya at namula ang mga pisngi niya. Is he blushing? Lumapit ako sa kanya at hinipo ko yung noo niya. Pero hindi naman mainit.

"Anong ginagawa mo?!" Tinabig niya yung kamay ko.

"Bakit ka namumula? Hindi ka naman mainit." Wika ko.

"Hindi ako namumula! Magluto ka sabi e!"

I raised my hands like I was surrending. "Oo na po. Magluluto na."

Habang nagluluto ako, pakiramdam ko nakatitig siya sakin. Pero tuwing nililingunan ko siya, sa ibang bagay siya nakatingin. Inaantok lang siguro ako. Pagkahain ko dumating si Caleb. Ngiting ngiti pa siya. Good mood yata.

"Napakaganda ng umaga ko. Dahil isang magandang binibini ang nakita ko." Tumingin siya sakin at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"Alam mo tol, gutom ka lang. Kaya kumain ka na." Sumubo si Kier at halatang bad mood siya.

Magkaiba na magkaiba talaga yung dalawa. Parang di sila magkapatid. Si Caleb ay masayahin at bibong bibo. Habang si Kier masungit at mataray. Buti di sila nagkakagulo. Kasi usually pag magkaiba ng ugali ang magkapatid lagi sila naiirita sa isa't isa leading sa away. Pero sila hindi. Siguro may something in common sila. Hindi ko lang makita.

"Halika K-Lee, sumabay ka samin." Hinigit ako ni Caleb at pinaupo niya ako sa tabi niya. Kumuha siya ng plato at nilagyan niya ng kanin. "Anong gusto mong kainin? Yung hot dog, egg omelet o tuna?"

"Kaya ko na ang sarili ko, Caleb." Kukuhanin ko sana yung plato na hawak niya kaso umiwas siya.

"Ako na. Hayaan mo na ako pagsilbihan ka." Sumuko nalang ako. "Oh ano ba gusto mo?"

"Yung egg omelet nalang." Nahihiya kong sabi. Napatingin ako kay Kier at ang sama ng tingin niya samin.

"Eto oh. Uubusin mo yan ah." Binigay niya sakin yung plato.

"Salamat Caleb." Tumango nalang siya.

Medyo awkward ang hangin dito dahil kaming dalawa lang ni Caleb ang nag-uusap. Tuwing tinitingnan ko si Kier either nakatingin siya sa pagkain niya o ang sama ng tingin niya samin ni Caleb. Nung natapos si Kier kumain padabog niyang binaba yung kutsara at tinidor na hawak niya. Walang imik siyang umalis.

"Anong problema ng kuya mo?" Tanong ko.

"Ayaw niya kasi ng maingay habang kumakain. Pero hayaan mo na siya." Ayaw ni Kier ng maingay habang kumakain? Pero dati rati lagi siya nago-open ng topic tuwing kumakain kami. May problema yata si Kier.

Buong maghapon naglinis ako ng bahay at buong maghapon iniisip ko kung anong problema ni Kier. Nakapagtaka kung bakit ko siya iniisip at kung bakit naapektuhan ako sa kanya. Ano ba pakialam ko sa kanya? Dapat wala pero bakit parang meron. Parang may pakialam ako sa kanya at gusto ko siyang tulungan. Pero malabo yun. Isang Kier Magpantay magpapatulong sa mga problema niya? No way! Gusto niya lagi solohin ang mga problema niya. Nasa Backyard ako ngayon nakaupo lang sa damuhan habang pinagmamasdan ang langit. Kier Magpantay, what have you done to me?

"Hoy!" Biglang sulpot ni Caleb. "Ang lalim ng iniisip mo ah. Tell me."

"Ang alin?" Umupo siya sa tabi ko.

"Kung anong iniisip mo. Alam mo ba kanina pa kita tinatawag para samahan ako sa loob pero dinededma mo lang ako."

"Bakit di ka nalang magpasama sa kuya mo?"

"Umalis siya eh. May pupuntahan daw siya." Napatingin ako kay Caleb.

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?" Nahihiya kong tanong.

"Hindi eh." Bumalik yung tingin ko sa langit. "So ano nga iniisip mo kanina?"

"Wala. Iniisip ko lang ang mga kapatid ko." Pagsisinungaling ko.

"Kamusta na nga pala sila? Kamusta na si Tita Katherine?" Napayuko ako.

"Wala na." Alam ko napatingin sakin si Caleb.

"Anong ibig mong sabihin na wala na?"

"Wala na, patay na." With that I could feel my tears forming in my eyes.

"I'm sorry." Niyakap ako ni Caleb. I didn't like crying especially in front of other people. I felt weak. And I know I can't be weak. Its not in my vocabulary. Pinahid ko yung mga luha ko at humiwalay na ako kay Caleb. He cupped my face. "Alam ko kung anong magpapasaya sayo."

Binitawan niya mukha ko. Tumalikod siya saglit at pagharap niya muli nakawacky siya. Paiba-iba ang facial expression niya. Sinubukan niyang magsalita na pabecky. Kumanta siya kahit sintunado siya. Napapatawa nalang ako sa pinaggagawa niya dahil mukha siyang tanga. Pero nagpapasalamat ako sa kanya. Tulad ng dati, lagi siya nandyan para pasayahin ako. He really knows how to make me happy.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon