Chapter Twenty One

4K 110 1
                                    

"Good Morning Babe." Pagmulat ng aking mga mata, unang bumungad sakin ay si Kier and breakfast in bed. Hinalikan niya ako sa ulo. "Happy monthsary satin."

Napatawa ako sa kacornyhan niya. "Happy monthsary talaga? Mayroon ba talagang monthsary?"

"Oo naman. First month celebration since we've been together, silly head. Hala kain ka na at pagkatapos magimpake ka. Dahil magda-date tayo." Hinalikan niya muli ako at umalis. Saan kaya kami magdadate?

***

First monthsary date namin ni Kier ay sa dagat. Magcacamping daw kami dito. Nakakaexcite dahil first time ko magcamping sa dagat. May dala kaming tent, damit, marshmallows at mga unan at kumot. Pero sa mga ganitong okasyon hindi ako nakakatulog dahil sa sobrang excitement. I think Kier and I will have an overnight camping with no sleep.

"May laman ba ang mga bulsa mo?" Tanong ni Kier.

"Wala naman. Ba.." Naputol yung sasabihin ko dahil bigla akong binuhat ni Kier na parang sako. "Kier! Ibaba mo ko!" I said while shrieking.

Pero tinawanan niya lang ako. Dinala ako ni Kier sa dagat at pagbaba niya sakin lumubog agad ako. Buti nalang nahawakan niya agad ang kamay ko. Masyadong malalim para sakin. I think he forgot he is five inches taller than me. Pumunta kami sa parte na abot ko yung buhangin sa baba.

"Gusto mo ata ako malunod." Pabebe kong sinabi. Gusto ko lang kasi magpalambing.

"Hindi ah. Malay ko naman hindi mo pala abot. Ang pandak mo kasi." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pandak pala ah!" I splashed some water on his face at ginantihan niya rin ako. Napatigil ako bigla dahil pumasok yung alat ng tubig sa mata ko. Ang hapdi. "Aray ko, Kier! Pumasok yung tubig sa mata ko."

"Ano?! Tss. Halika nga." Lumapit sakin si Kier at binuhat na parang bagong kasal. Dinala niya ako malapit sa tent. Kumuha siya ng towel at pinunasan niya ang mata ko sabay inihipan niya ang mata ko. "Try mong imulat ang mata mo."

Sumunod ako sa utos niya. Dahan-dahan ko minulat ang mata ko. Nawala yung hapdi sa mata ko. Napangiti ako at napapalakpak sa sobrang tuwa. Para akong bata naamaze sa isang magic trick.

"Ang galing mo babe. Saan mo yan natutunan?"

"Sa nanay ko. Noong bata pa kami at nagswi-swimming sa dagat. Madalas pumapasok yung tubig sa mata ko. Kaya lagi nakahanda si nanay para sagipin ako." Natouch ako sa kwento niya. He turned soft by just mentioning his mother. "Tara na magswimming na tayo. Mamaya hindi na tayo makapagswimming dahil sa init."

"Sige! The last one there has to carry the winner!" Tumakbo agad ako para sigurado panalo.

Pero dahil mas malaki si Kier kaysa sakin, mas malaki ang hakbang niya. Kaya siya ang nanalo at ako ang talo. Buti nalang nasa tubig na kami. Sumakay na siya sa likod ko at tuwang tuwa pa. Tinawag pa akong kabayo. Pumunta ako sa sobrang lalim na parte para mapilitan siya na ako ang buhatin niya. Gumana naman ang plano ko. Ako naman yung sumakay sa likod niya. Ngayon alam ko na kung bakit tuwang tuwa siya kanina. Ang saya sumakay sa likod ng tao.

Umahon na kami dahil mainit na at gutom na rin kami. Ang corny ni Kier dahil pinilit niya talaga ako para lang pumayag ako na siya ang magsusuklay sa buhok ko. Hindi ko rin naman siya matatanggihan kaya sinuklayan niya ang buhok ko at nagsuot ng headband sakin. Nagset siya ng blanket sa buhangin. Tinulungan ko siya ihanda ng kakainan namin.

"Sino nagluto?" Tanong ko sabay kumagat sa salmon.

"Ako ah. Sino pa ba?" I gave him a hindi-ako-naniniwala look. "Sige pagbalik natin sa bahay ipapakita ko sayo ang cooking skills ko." Sabay nagflex.

I rolled my eyes. "Whatever, Mr. Magpantay. Kumain nalang tayo dahil naha-hallucinate ka na."

Aaminin ko, ang sarap ng mga niluto ni Kier kung siya talaga ang nagluto. Pagkatapos namin kumain, nagtulungan kami iligpit ang mga pinagkainin namin. Umupo kami muli sa blanket at pinanuod namin ang paglubog ng araw. Nakaakbay siya sakin habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Ang ganda ng view idagdag pa ang perfect ng moment.

"Alam mo, tumitigil yung oras ko kapag kasama kita. Pakiramdam ko, walang ibang tao sa mundo, kundi tayo lang dalawa. Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba, kapag nasa tabi kita, kapag kasama kita. Sana palagi nalang ganito, sana pareho tayong ng nararamdaman. Sana ganito rin yung nararamdaman mo kapag kasama mo ako, Kier." Tumingin ako sa mga mata ni Kier at nginitian niya ako sabay hinaplos ang buhok ko.

"Kapag kasama kita, hindi ko na alam kung anong tama o mali. Dahil kapag kasama kita, puro tama para sa atin ang alam ko. Hindi ko na alam kung ano yung mga bagay na bawal o pwede, kasi para sayo lahat pwede, lahat gagawin ko. Ang tanging alam ko lang, ikaw at ako. Masaya tayo, at nagmamahalan. Sana ganito nalang palagi." Hinalikan ako ni Kier. Nung humiwalay kami, tumayo siya at pinagpagan ang pwet niya. He was reaching for my hand. "Tara maglakad tayo."

"Eh tinatamad ako babe." Tumingkayad si Kier sabay tumalikod sakin.

"Sakay na." Hindi ako nagdalawang isip pa. Sumakay ako sa likod niya at nagsimula siyang maglakad sa tabing dagat. He never fails to make me smile. Niyakap ko siya at sinandal ang ulo ko sa ulo niya. With him I feel at home.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon