Hindi ako nakatulog at isang oras nalang at maga-alas-kuwatro na. Kaya no need to sleep. Naglinis nalang ako ng bahay at nagdilig ng mga halaman. Bandang alas-sais ako nakaluto ng agahan. Hindi parin gising ang magkapatid. Kung magenroll kaya ako ngayon. I have the money at tapos naman ako gawin ang tungkulin ko dito. Magpapaalam nalang ako kay Kier mamaya paggising niya.
Naligo na ako at nagbihis ng pangalis. Kaso lang di mukhang pangalis dahil simple lang suot ko. Simpleng blouse, maong na short at sandals. Alam ko hindi appropriate magshort pag kolehiyo na kaso no choice ako. Sinunog ni Kier ang mga pantalon ko diba. Alas-otso nagising si Caleb at alas-nuebe naman nagising si Kier. Mukhang good mood pa siya.
"Buti wala kang hangover kuya." Sabi ni Caleb.
"Syempre. Nag-inom kasi ako ng aspirin at magaling yung nag-alaga sakin." Napatingin ako kay Kier. Nakatingin na siya sakin at nginitian niya ako. "Salamat ulit K-Lee."
"Don't mention it." Really Kier. Don't ever mention it. Bumabalik lang sa isipan ko yung halik natin. Sigurado hindi mo maalala dahil lasing ka nga.
Sabay-sabay kami kumain ng agahan. Ngayon ako naman yung tahimik at yung dalawa ang nag-uusap. Kinakausap naman nila ako pero tanging oo at hindi lang ang sinasagot ko. Minsan nga tumatango nalang ako. Pumunta yung dalawa sa sala habang ako naiwan sa kusina para magdayag. Papayagan kaya ako ni Kier umalis? May valid reason naman ako. Pagkatapos kong magdayag, pumunta ako sa sala.
"Uhh, Kier." Hinawakan ko yung right elbow ko. Tumingin sakin yung dalawa. "Pwede ba ako umalis? Mage-enroll kasi ako."
"Pwede naman. Hatid na kita." Tatayo siya sana pero pinigilan ko siya.
"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko." I waved my hand.
"Sabay na tayo K-Lee. Mage-enroll rin ako." Ngiting-ngiti sabi ni Caleb.
"Saan ka mage-enroll?"
"Sa Diliman. Ikaw?"
"Nako wag na. Sa AIM kasi ako. Sa tingin ko, 16.4 km ang layo ng university natin. Bale 38 minutes ang biyahe mula sa university ko papunta sa university mo. Kaya wag na." Nawala yung ngiti sa mukha ni Caleb.
"Paano ka na? Saan ka sasakay?" Seryosong tanong ni Kier.
"Magco-commute nalang ako. Sanay naman ako eh. Sige, uuna na ako ha."
"Sige. Ingat ka." Sabay yung dalawa.
Nginitian ko sila bago ako umalis. Kumaway din ako kay Manong taga-bukas at sara ng gate. Close na rin kami. Medyo malayo ang terminal ng jeep sa kaharian ni Kier. But its not something I can't do. Ang sarap ng hangin. Fresh air! Ilang linggo rin ako di nakalabas sa kaharian ni Kier. So much different colors. Its good to see some houses with colors. Pakiramdam ko bumalik ako sa village namin.
Sumakay ako ng dalawang jeep, isang tricycle at konting lakad bago ako makarating sa AIM. Ang laki ng university. Marami rin tao dito sa loob ng campus. Walang familiar na mukha kahit isa. Eto yung gusto ko. Yung wala akong kakilala at isa akong estrangharo dito. Para wala akong special treatment, walang pekeng kaibigan at walang kaaway. Sa dating university na pinasukan ko, ang daming nakilala sakin. Dahil isa akong Guzman. Isa sa mga pinakamakapangyarihan na clan sa business industry. Pati outside the business industry, kilala ang mga Guzman. Dahil doon, maraming nakipagkaibigan sakin para lang perahan ako. Dahil doon, lagi ako spinespecial treatment ng mga guro. Dahil doon, ang dami naingget sakin at binully ako. Kaya gusto ko magpakalayo. Ayoko ng ganyan. Sa lalim ng pag-iisip ko, nakabunggo ako ng tao.
"Ay sorry." Tinulungan ko yung babae tumayo. "Okay ka lang?"
"Oo. Sorry rin. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"Wala yun. Sige, mag-iingat ka sa susunod." I smiled at her before I left.
Dumiretso ako sa main office at binigay ko yung mga requirements. Tatlong envelope containing mahahalagang papeles. Tulad ng Form 137, NSO, Good Moral, 2x2 picture at entrance exam. Good thing nakapagexam ako bago ako naging alipin. Pinili ko ang University na 'to dahil una malayo at pangalawa binigyan nila ako ng scholarship. Naimpress sila sa entrance exam result ko at yung card ko. Puro 1. Walang 2 o 3. Tapos sa entrance exam overall nakakuha ako 96 over 100. Nagfill in ako ng mga papeles, nagbayad at binigyan nila ako ng schedule. It was easy as pie.
***
Tahimik ang paligid pagbalik ko sa kaharian ni Kier. Umalis ata ang magkapatid. Nagbihis ako ng pangbahay tsaka ako pumunta sa sala at umupo sa sofa. Oo nga pala, pinayagan na ako ni Kier umupo sa sofa niya. Sasapakin ko siya kung magaarte pa siya. Out of nowhere dumating si Kier at umupo sa tabi ko.
"Saan ka galing?" Tanong ko. Ang tahimik kasi kanina.
"Sa backyard. Niliguan ko si Bruno." Sinandal ni Kier ang ulo niya sa balikat ko. "Kamusta ang pagenroll?"
"Ayos lang naman."
"Patingin ng schedule mo." Binigay ko sa kanya yung schedule ko. Sa tagal niya tinitigan ang schedule ko parang minememorize niya. Kaya kinuha ko at tinago sa bulsa ko.
"Sobra na. Baka kainin mo pa." Pagbibiro ko.
"You know college girls really turn me on. Specifically the business ad girls. Especially those Major in Management Accounting." Kier smirked. Tinulak niya ako at napahiga ako. Pumunta siya sa ibabaw ko. "They really turn me on, K-Lee. I'm tempted to kiss you right now."
Lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. I'm panicking inside. What should I do? By instinct, tinulak ko siya. Sa kasamaang palad, mahigpit ang kapit niya sakin kaya pareho kami nahulog sa sofa. Ang resulta ako naman yung nasa ibabaw.
"Well you can't have any of this. I'm way out of your league Kier. Palaka ka lang, ako prinsesa." Pagbibiro ko.
"Palaka pala ha." Mabilis kumilos si Kier. Hinawakan niya kamay ko sabay yung paa niya pumwesto sa bandang tiyan ko. Tinaas niya ako. Para bang yung ginagawa sa bata para feeling nila lumilipad sila. "Kung palaka ako, ikaw flappy bird."
"Ibaba mo ko." Natatawa kong sabi.
"Ayoko. Sabihin mo muna gwapo ako." He showed his cocky smirk.
"Never!" I smiled widely.
Nagtatawanan kami kahit ganun yung pwesto namin. Para kaming tanga. Naglolokohan kami. Bilib ako sa kanya dahil hindi siya nabibigatan sakin at hindi siya nangangalay. Biglaan bumukas yung pinto at nagulat si Caleb sa nakikita niya. Dahan-dahan binaba ako ni Kier at tinulungan niya akong tumayo.
"Uhh Caleb." Napakamot si Kier sa batok niya. "Kamusta ang pag-enroll?"
"Ayos lang. Kamusta ang pagbuhat sa bespren ko?" Seryosong sabi ni Caleb.
"Okay lang. Good work out."
"Magluluto na ako ng hapunan." Nagmadali ako umalis.
Ang weird ng tension nila. Ang seryoso nila for the first time. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Ganun parin yung tension nila nung kumain kami ng hapunan. Tahimik rin kami kumain. Naninibago ako sa kanila. Sana di sila ganito bukas. Ang weird eh.
BINABASA MO ANG
You're My Property
RomancePaano pag isang araw, malalaman mo na wala ka nang karapatan sa sarili mong kalayaan? Paano pag isang araw, malalaman mo pagmamay-ari ka nang iba? Matutuwa ka ba o magagalit? Pero paano pag may magandang maidudulot ng pangyayari? Tulad ng mahahanap...