Chapter Thirty Five

2.6K 66 1
                                        

Nagising ako nung may naririnig akong may sumisigaw sa labas ng bahay. The voice was so familiar to me. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko siya. Nakita ko si Kier. He is screaming from outside the gate and his eyes are red. Has he been crying? Oh Kier, if only you knew.

"K-Lee! Lumabas ka dyan! Alam ko nandyan ka! Kausapin mo ko, please! K-Lee!" Sigaw ni Kier. Bubuksan ko sana yung bintana kaso nakalock at nakapadlock pa. Grabe naman ang kulungan ko! Nakita ko si Tatay lumabas.

"Umalis ka na rito. K-Lee, doesn't want to talk to you." That asshole of a father!

"Mr. Guzman, I need to talk to her. K-Lee! Lumabas ka! Kausapin mo ko! Let's talk through this. Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sakin! K-Lee!"

"Umalis ka sabi! Pag hindi ka umalis, tatawag ako nang pulis!"

"Sige, tumawag ka! Pero babalik at babalik parin ako. Please Mr. Guzman, let me talk to K-Lee."

"Gusto mo talaga siya makausap? Sige! Pagbibigyan kita!" Pumasok si Tatay sa loob ng bahay. Hindi ako makapaniwala na pumayag talaga si Tatay. Nakaabang ako sa pinto ng kwarto ko. Pumasok sa loob si Tatay. "Makinig ka sakin. Ang sasabihin mo, hindi mo siya mahal at ayaw mo sa kanya. At paalisin mo siya. Pag hindi ka sumunod, ilalayo ko na ang mga kapatid mo." Nawala yung ngiti sa mukha ko. Hinigit ako ni Tatay palabas ng kwarto ko. Pero binatawan niya ako nung palabas na kami ng bahay.

"Anong kailangan mo?" Matamlay kong tanong.

"K-Lee, sabihin mo sakin na hindi totoo ang sinulat mo dito. Sabihin mo sakin yung totoo. Sabihin mo sakin na mahal mo parin ako." I saw hope in his eyes. Umiwas ako ng tingin para hindi ako makahalata.

"Totoo ang mga sinulat ko. Hindi kita minahal, hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin. Kaya maaari ka nang umalis." Tumalikod na ako. Habang naglalakad ako pabalik sa bahay, sinisigaw ni Kier ang pangalan ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko at ako mismo ang naglock ng pinto. Bumuhos ang aking mga luha. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ganyan.

Sumilip ako sa bintana. Lumapit si Tatay kay Kier sabay sinuntok niya si Kier sa sikmura. What the fuck! Hindi naman niya kailangan saktan yung tao. Nasasaktan nga siya emotionally tapos sinaktan mo siya physically. He's over his damn stupid mind! May sinabi si Tatay sa kanya at bigla nalang siyang umalis. Ano kaya sinabi niya? Nung naglalakad siya pabalik, I saw a cocky smirk on his face. That son of a bitch! Umupo ako ulit sa kama ko.

"K-Lee!" Kumatok si Tatay sa pinto ko. Hindi niya mabubuksan yung pinto ko dahil yung lock ay nasa side ko. So may lock sa side ko at sa side niya. "Buksan mo yung pinto!"

"Just leave me alone!" I screamed.

"Bubuksan mo ba yung pinto o sisirain ko pa yung doorknob?" Is he really serious? Wala na ba akong kalayaan? Binuksan ko nalang yung pinto at umupo muli sa kama ko. I don't want to give him the privilege to see me cry. Pero nagbabaka sakaling na maawa siya sakin at hahayaan niya ako bumalik sa bahay ni Kier. Pumasok siya at napatigil nung nakita niya akong umiiyak. "Bakit ka umiiyak?"

"Ano sa tingin mo? Bakit kailangan mo pa siyang suntukin? Nasasaktan nga yung tao, dinagdagan mo pa yung sakit niya." I said in between my sobs.

"To leave you alone, my dear. Hindi siya karapat-dapat sayo, anak. You can do way much better." Umupo sa tabi ko si Tatay.

"Paano kung ayoko sa taong mas better? Paano kung siya lang ang gusto ko?" Paawa kong sabi.

"Sa una lang yan anak. Pero hindi lang siya ang lalake sa mundo. Ganyan ka lang magsalita ngayon kasi first love mo siya. Pero sinasabi ko sayo, mas gugustuhin mo yung kasunod niya. At siya ang magiging true love mo. You'll only need patience."

"Pero paano kung siya na ang true love ko? Hindi mo pwede husgahan ang pagmamahalan namin ni Kier dahil wala kang alam. Mamahalin ko parin si Kier kahit ano pa man mangyari. Kahit ikaw pa ang kalaban ko."

"Kung yan ang desisyon mo, sige." Tumayo si Tatay. "Pero simula ngayon, bawal ka lumabas ng bahay at dapat lagi mong kasama ang guard mo pagpasok. Sige na, manghilamos ka na. Malapit na gumising ang mga kapatid mo." Lumabas si Tatay at narinig ko nilock niya yung pinto. I lost without even trying to fight. I'm so hopeless.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon