Chapter Thirty Three

3.1K 78 2
                                    

Napagising ako nang may maramdaman akong malambot na bagay na dumadampi sa buong mukha ko. Pagmulat ng aking mga mata, mukha ni Kier ang una kong nakita. What a good way to start my morning.

"Good morning beautiful." He smiled. "Thank you for the wonderful gift."

"Walang anuman. Pero hindi dahil pinagbigyan kita kagabi ay ibig sabihin pagbibigyan kita lagi. Wag kang abuso." I teased.

Magsasalita sana si Kier kaso bigla nagring yung cellphone niya. Inexcuse niya muna yung sarili niya para sagutin yung tawag. Habang nasa labas siya, pinulot ko yung mga damit ko at sinuot ko ang mga iyon. Medyo sore ako dahil sa nangyari kagabi. Saktong pagsuot ko ng polo niya, bumalik siya sa kwarto.

"Sino yung tumawag?" Tanong ko. Nilapitan ko siya at binalot ang mga kamay ko sa leeg niya. Binalot na rin niya yung mga kamay niya sa bewang ko.

"My secretary. Sabi niya may dumating na mahahalagang business men sa opisina at hinahanap ako. Kaya kailangan ko nang umalis." Nagpout ako at hinalikan niya ako. "Baka bukas pa ng umaga ang uwi ko. Kaya be a good girl huh."

"Opo." Hinalikan niya ako ulit bago pumasok sa loob ng banyo. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng pagkain para baon ni Kier sa opisina. Hindi yan kakain ng agahan dito dahil sigurado magmamadali siya. Narinig ko ang mga hakbang niya pababa ng hagdan. Tinali ko yung dulo ng polo niya hanggang sa taas ng tiyan ko.

Napasmirk siya nung nakita niya ako. "Stop teasing me, K-Lee. You're not playing fair."

"Nagbabaka sakaling magbago ang isip mo." Nilapitan ko siya at binalot ko ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko. "Hindi ba talaga magbabago?"

"Sorry babe, pero hindi talaga pwede. Uuwi naman ako bukas at pwede natin ipagpatuloy yung nangyari kagabi." Pinitik ko yung noo niya at sabay kami tumawa. Binigay ko sa kanya yung baonan niya. "Wow, salamat babe. Napakaswerte ko talaga." Hinalikan niya ako.

"Basta, wag kang paloko-loko kung hindi pupuntahan kita at pepektusan ko yang alaga mo." Pagbabanta ko. Tinawanan lang niya. Inayos ko yung necktie niya. "Tawagan mo ko mamayang gabi ha."

"Opo." Pinundot niya yung ilong ko. "Ilock mo ang mga pinto pagkaalis ko ha. Baka makatulog si Manong sa pwesto niya."

"Opo. Sige, alis ka na. Malalate ka na." Sinamahan ko siya papunta sa kotse niya. Hinalikan niya ako ulit bago sumakay sa kotse niya. Pinagmamasdan ko yung kotse niya habang unting-unti nawawala sa paningin ko. Bumalik ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto niya para ligpitin ang mga damit at yung kama.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Para namang di ako Dalagang Pilipina. I never knew I had that in me. Napakapilya ko pala. So does this mean, I'm not a virgin anymore? Holy shit. Pag nalaman 'to nina Tatay, baka magwala pa siya. Pero wala akong pake! Katawan ko 'to at pwede kong gawin kung anong gusto kong gawin sa katawan ko. It honestly feels good to have sex. Biglang bumukas yung pinto at laking gulat ko nung nakita ko si Tatay at may kasama siyang apat na guards. What the fuck is he doing here?! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mukhang nagulat siya makita akong ganito. Nakalimutan ko pala nakataas pa yung polo ko. Nilapitan ako ni Tatay at binaba niya yung polo ko. Hinigit niya ako palabas ng kwarto. Nakasunod samin yung mga guards. Napatigil si Tatay sa paglalakad nung nagpupumiglas ako. He looked at me confused.

"Bakit anak?" Alalang tanong ni Tatay.

"Bakit ka narito? At saan mo ko dadalhin?" Furious kong tanong.

"I-uuwi na kita. Tapos na yung deal namin ni Mr. Magpantay. Nakalipas na ang tatlong buwan. Kaya tara na, uwi na tayo." Hinigit niya ako ulit. Parang nawala ako sa sarili ko nung binanggit ni Tatay na tapos na yung deal nila ni Kier. Nakalimutan ko na narito ako dahil sa kontrata nila ni Tatay. Pero mahal ako ni Kier kaya hindi pwede ako umalis. Tumigil ako sa pagsunod at nagkawala ako sa hawak ni Tatay. Tiningnan ako muli ni Tatay. "K-Lee, wag mong sasabihin na mahal mo na si Mr. Magpantay."

"I'm sorry Tay, pero mahal ko na si Kier at hindi ako pwedeng umalis." Yumuko ako.

"I knew this would happen. Guard, plan B." Napatingin ako kay Tatay sabay bigla akong binuhat ng isang guard na parang sako. "Iwan niyo yung sulat. Let's go." Bago kami umalis, may dinikit silang sulat sa pinto. Binasa ko yung sulat at naiimagine ko na yung magiging reaction ni Kier. It breaks my heart into millions of pieces.

Mr. Magpantay, tapos na ang tatlong buwan kaya aalis na ako. Wag mo kong hahanapin o pupuntahan. Ayoko makita ang pagmumukha mo. Wag mong iisipin na sineryoso ko kung ano meron tayo dahil kahit kailan hindi ako maiinlove sa isang halimaw na katulad mo. People like you don't deserve to be loved by people like me. Thank you for the business. Now, I'm leaving you. Sincerely, K-Lee Guzman.

You're My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon